nibel


ni·bél

png |[ Esp nivel ]
1:
pamantayan ng dami, saklaw, uri, gaya sa nibel ng walang trabaho o nibel ng moralidad : LÉVEL
2:
taas o pagitan mula sa lupa o sa anumang batayan, gaya ng nibel ng isang tubig sa dagat : LÉVEL
3:
Kar kasangkapang nagbibigay ng linya kaagapay ng orisonte, o kayâ upang tiyakin kung tuwid ang tindig o higa ng isang pader o poste : LÉVEL, TULTÓL1

ni·be·lá·do

pnr |[ Esp nivelado ]

ni·be·las·yón

png |[ Esp nibelación ]
:
pagpapantáy o pagiging pantay.

Ni·be·lúng

png |Mit |[ Ger ]
:
kasapi ng lahi ng mga duwendeng Scandinavian at nagtatagò ng ginto at yamang may mahika.

Nibelungelied (ní·bi·lung·e·líd)

png |Lit |[ Ger ]
:
tulang Aleman noong ika-13 siglo na naglalarawan ng kuwento sa Edda at nagpapahayag ng búhay at kamatayan ni Siegfried.