- index number (ín•deks nám•ber)png | [ Ing ]:bílang na nagpapakíta ng pagkakaiba-iba ng mga presyo o sahod sa isang tiyak na panahon
- atomic number (a•tó•mik nám•ber)png | Kem | [ Ing ]:bílang ng mga positibong karga o proton sa nukleus ng atom ng isang element, samakatwid, bílang ng mga elektron na karaniwang nakapaligid sa nukleus
- square number (is•kwéyr nám•ber)png | Mat | [ Ing ]:ang square ng isang integer
- quantum number (kwán•tum nám• ber)png | Pis | [ Ing ]:isa sa mga set ng mga integer o mga kalahating integer na naglalarawan ng antas ng enerhiya ng particle o mga particle
- natural number (na•tyu•rál nám•ber)png | [ Ing ]:numerong pamílang
- negative number (né•ga•tív nám•ber)pnr | Mat | [ Ing ]:bílang na higit na mababà sa zero
- international standard book number (ín•ter•ná•syo•nál is•tán•dard buk nám•ber)png | [ Ing ]:ang sampung digit na bílang, itinatakda sa bawat aklat bago ang paglalathala, at batay ang mga numero sa wika, tagalathala, at pook na pinagmulan ng aklat