oa
oak (owk)
png |Bot |[ Ing ]
1:
punongkahoy o palumpong (genus Quercus ), karaniwang bilugán ang dahon at hugis itlog ang bunga : ENSÍNA,
RÓBLE Cf QUERCITRON
2:
oarfish (ór·fish)
png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng ribbonfish (family Regalecidae ) na malaki, mahabà, sapád ang katawan na humahabà nang 3.66 m to 6.10 m, at naninirahan sa malalim na bahagi ng dagat.
oarweed (ór·wid)
png |Bot |[ Ing ]
:
malakíng alga (genus Laminaria ), karaniwang tumutubò sa mabatóng baybaying dagat.
oas (ó·was)
png |Bot
:
punongkahoy (Harpullia arborea ) na tumataas nang 20 m, may balakbak at bungang may katas na ipinapahid sa balát upang hindi kagatin ng linta.
oasis (o·wá·sis, o·wéy·sis)
png png |[ Esp Ing ]
1:
Heo
matabâ at lungtiang pook sa disyerto, karaniwang katatagpuan ng bukal o balon
2:
bagay na nagsisilbing kanlungan at nagdudulot ng kaginhawahan o kapanatagan.
oat (owt)
png |Bot |[ Ing ]
:
halámang butil (Avena sativa ), nililinang sa pook na malamig ang klima.
oatcake (ówt·keyk)
png |[ Ing ]
:
keyk, karaniwang manipis at malutóng, at gawâ sa oatmeal.
oath (owt)
png |[ Ing ]
1:
sumpâ1-2 o pagsumpa, karaniwang sa Diyos, hinggil sa katotohanan ng pahayag o sa pagtupad ng gawain
2:
pagsulat ng nasabing pahayag o pangako.
oatmeal (ówt·mil)
png |[ Ing ]
:
giniling na oat, karaniwang ginagawâng oatcake.