opera


ó·pe·rá

png |[ Esp Ing ]
1:
Mus mahabàng komposisyon na inaawit sa saliw ng mga instrumento, karaniwang aria, koro, resitatibo, at may kasámang ballet
2:
gusali sa pagtatanghal nitó.

ó·pe·rá

pnd |mag-ó·pe·rá, ma·ó·pe·rá, ó·pe·ra·hán, ó·pe·ra·hín Med |[ Esp ]
:
tistisin ang katawan ng pasyente upang gamutin o tanggalin ang anumang sanhi ng sakít.

ó·pe·rá búf·fa

png |Mus Tro |[ Ita ]
:
operang komiko, lalo na ang hinggil sa mga tauhang mula sa pang-araw-araw na búhay.

o·pe·rá·da

pnr |Kol |[ Esp ]
:
dumaan sa operasyon para sa pagpapaganda.

o·pe·rá·do

pnr |Med |[ Esp ]
:
sumailalim o nakaranas ng operasyon, operada kung babae.

o·pe·ra·dór

png |[ Esp ]

ó·pe·ránd

png |Mat |[ Ing ]
:
kantidad na sumasailalim sa operasyong pangmatematika.

o·pe·rár·yo

png |[ Esp operario ]

o·pe·ras·yón

png |[ Esp operación ]
1:
Med proseso o metodo sa pag-oopera sa katawan ng pasyente ; o ang pagsasagawâ ng prosesong ito : OPERATION Cf OP3
2:
kalagayan ng pagiging aktibo o produktibo : OPERATION
3:
aktibong proseso sa pagsasagawâ o pagtupad ng gawaing pamamalakad : OPERATION
5:
transaksiyong pangnegosyo : OPERATION Cf OP3
6:
Mat proseso, tulad ng addition, multiplication, differentiation, at iba pa : OPERATION

o·pe·ras·yo·nál

pnr |[ Esp operacional ]
1:
maaaring paandarin o gamitin, tulad ng mákiná, sasakyan, at katulad : OPERATIONAL
2:
Mil hinggil o nakikibahagi sa operasyong pangmilitar : OPERATIONAL
3:
hinggil sa operasyon o mga operasyon : OPERATIONAL

operate (ó·pe·réyt)

pnd |[ Ing ]
1:
kumilos o magtrabaho ; tuparin ang gawain
2:
umandar, tulad ng mákiná ; gumamit ng mákiná, aparato, at katulad
3:
kumilos nang epektibo ; gumamit ng lakas o impluwensiya
4:
simulan o maging aktibo, tulad ng sa negosyo

operation (o·pe·réy·syon)

png |[ Ing ]

operational (o·pe·réy·syo·nál)

pnr |[ Ing ]