pabo


pá·bo

png |Zoo |[ Esp pavo ]
:
ibon (Meleagris gallopavo ) na malakí, maraming kulay ang balahibo, at hindi nakalilipad : TURKEY

pa·bo·ló·wang

png |Bot |[ ST ]
:
biyas ng kawayan o tubó.

pa·bó·ngoy

png |[ ST ]

pa·bór

png |[ Esp favór ]
1:
anumang pagpapakíta ng pagkagusto o pagtanggap : FAVOR
2:
tulong na ibinibigay bílang patunay ng pagsang-ayon : FAVOR
3:
isang mabuting gawain na lagpas sa karaniwan at kailangan : FAVOR

pa·bo·ráb·le

pnr |[ Esp favorable ]
:
nakatutulong ; kumakatig.

pá·bo·re·ál

png |Zoo |[ Esp pavo real ]
:
ibon (Pavo cristatus ) na malakí at may mahabàng buntot na tíla may mga matá : PEACOCK

pa·bo·rí·ta

png |[ Esp favorita ]
1:
anyong pambabae ng paborito
2:
tinapay na kahawig ng biskuwit.

pa·bo·ri·tís·mo

png |[ Esp favor+ito+ismo ]
:
pagkiling o pagtatangi sa isang tao nang higit kaysa iba : FAVORITISM

pa·bo·rí·to

png |[ Esp favorita ]
:
tao, bagay, o anumang itinatangi o kinagigiliwan nang higit kaysa iba, pa·bo·rí·ta kung babae : FAVORITE