pabor
pa·bór
png |[ Esp favór ]
1:
anumang pagpapakíta ng pagkagusto o pagtanggap : FAVOR
2:
tulong na ibinibigay bílang patunay ng pagsang-ayon : FAVOR
3:
isang mabuting gawain na lagpas sa karaniwan at kailangan : FAVOR
pa·bo·ráb·le
pnr |[ Esp favorable ]
:
nakatutulong ; kumakatig.
pá·bo·re·ál
png |Zoo |[ Esp pavo real ]
:
ibon (Pavo cristatus ) na malakí at may mahabàng buntot na tíla may mga matá : PEACOCK
pa·bo·ri·tís·mo
png |[ Esp favor+ito+ismo ]
:
pagkiling o pagtatangi sa isang tao nang higit kaysa iba : FAVORITISM
pa·bo·rí·to
png |[ Esp favorita ]
:
tao, bagay, o anumang itinatangi o kinagigiliwan nang higit kaysa iba, pa·bo·rí·ta kung babae : FAVORITE