• Na (én ey)

    symbol | Kem | [ Ing ]

  • na

    pnb
    1:
    [Bik Hil Kap Seb Tag War] nagpapahayag ng kaganapan kapag sumusunod sa isang pandiwa, hal tapos na; yarì na
    2:
    nagpapahayag ng kaganapan ng aksiyon kapag ka-sunod ng isang pandiwang nása panahunang pangnagdaan, hal natulog na; bumilí na
    3:
    nagpapahayag ng kagyat o mabilisang pagkilos kapag sumusunod sa anyong pawatas at panahunang panghinaharap ng pandiwa, hal Pumasok na táyo; Ipinabi-bili ko na ang gamot

  • pad

    png | [ Ing ]
    2:
    mater-yales na absorbente
    3:
    pinagsáma-sámang papel upang sulátan

  • na

    pnk
    1:
    nag-uugnay sa pang-uri at pangngalan, hal matinis na boses; matangkad na laláki
    2:
    nag-uugnay sa pang-abay at pandiwa; nagiging ng kung nagtatapos sa patinig ang si-nusundang salita, hal mabilis na tumakbo; malabòng magsalita

  • na-

    pnl
    1:
    pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng ma- na nangangahulugan ng pag-iral, hal nabúhay, na-matáy
    2:
    pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng ma- na nanganga-hulugang aksiyon na naganap, hal nahulog, nalaglag, nasirà, nadurog
    3:
    pambuo ng pandiwang pang-kasalukuyan ng ma- at sinusundan ng salitâng-ugat na inuulit ang unang pantig, hal nahuhulog, nalalaglag, nasisirà, nadudurog

  • na

    pnr
    1:
    nagpapahayag ng kaganapan kapag kasunod ng isang pangngalan, hal Bagsak na; Abogado na siya
    2:
    nagpapahayag ng paglilipat o pagba-bago ng pagganap ng isang gawain kapag sumusunod sa panghalip pa-nao, hal Ako na; Ikaw na; Siya na

  • Tá•yo ná!

    pdd
    :
    pahayag ng pagyayà sa kasáma para sumulong o umalis, madamdamin kung may halòng inip o yamot

  • scratch pad (is•kráts pad)

    png | [ Ing ]
    :
    pad, karaniwan para sa mabilis na pagsusulat

  • tra•dis•yo•nál na po•lí•ti•kó

    png pnr | [ Esp tradicional+Tag na+Esp politico ]
    :
    lumang uri ng politiko, karaniwang ipinalalagay na korap

  • pá•saw na ha•páy

    png | Bot
    :
    haláman na tuwid, masanga, at makinis ang tangkay, lungti o lila ang dahon, at may bulaklak na apat ang talulot.

  • pa•ngat•níg na pa•nu•ba•lì

    png | Gra | [ pang+katnig na pang+subali ]
    :
    uri ng pangatnig na ginagamit sa pagkukurong pasumala, mga isipang may pasubali at mga pangungusap na pasakali o hindi ganap at nangangailangan ng tulong ng kapuwa pangungusap upang mabuo at makaganap sa kapararakan, hal Kung hindi ka sasáma, hindi kami tutuloy.

  • it•lóg na ma•á•lat

    png | [ itlóg na ma+ álat ]
    :
    itlog ng itik na nilaga at ibina-bad sa tubig na may asin, karani-wang kinukulayan ng pulá ang balát para maiba sa ibang itlog ng manok kayâ tinatawag ding itlog na pulá

  • Ma•hál na Á•raw

    png
    :
    isang linggo ng paggunita sa mga hulíng araw ni Hesus hanggang Linggo ng Pagka-búhay

  • ma•ta•ás na ka•pu•lu•ngán

    png | Pol | [ ma+taas na ka+púlong+an ]
    :
    isa sa kapulungan ng batasang bikameral, karaniwang binubuo ng mga pam-bansang kinatawan

  • ma•ta•ás na pa•a•ra•lán

    png | [ ma•ta•ás na pa•a•ra•lán ]
    :
    antas ng edukas-yon na kasunod ng mababang paaralan at sinusundan ng kolehi-yo

  • pang•ha•líp na di-tiyák

    png | Gra | [ pang+halip na di+tiyak ]
    :
    panghalip na hindi tuwirang tumutukoy sa tao, hayop, bagay, lunan, o pangyayari, at iba pa sa partikular, hal sinuman, anuman, alinman, saanman

  • pán•yo na si•no•lá•man

    png
    :
    borda-dong telang isinusuot sa ulo ng mga lalaki, o kalimitang ginagamit ng mga babae bílang alampay

  • Ba•nál na Es•pi•ri•tú

    png
    :
    sa Kristiyanismo, ang ikatlong persona sa Trinidad at sinasagisag ng kalapati

  • pa•ngu•ngú•sap na pa•u•tós

    png | Gra | [ pang+u+usap na pang+utos ]
    :
    hing-gil sa anyo ng pangungusap na nag-uutos

  • pa•ngat•níg na pa•mu•kód

    png | Gra | [ pang+katnig na pang+bukod ]
    :
    uri ng pangatnig na ginagamit kung sa dalawa o ilang bagay at isipan, ang isa ay ibig itangi sa iba; may anyong patanggi o pasalungat, hal Ni ako ay di niya naaalala, ikaw pa kaya?

  • pa•ngu•ngú•sap na pa•dam•dám

    png | Gra | [ pang+u+usap na pang+ damdam ]
    :
    uri ng pangungusap o pahayag na madamdamin, gaya ng pagkabigla, pagkatakot, pagkagalit, at iba pa

  • pa•ngat•níg na pa•na•lu•ngát

    png | Gra | [ pang+katnig na pang+salungat ]
    :
    uri ng pangatnig na ginagamit sa tambalang pangungusap na ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa, hal Gusto ko sanang makarating sa inyo, ngunit wala akong makasáma.

  • pa•ngu•ngú•sap na pa•ta•nóng

    png | Gra | [ pang+u+usap na pang+tanong ]
    :
    uri ng pangungusap na nagtatanong o nag-uusisa

  • it•lóg na pu•lá

    png
    :
    itlog na maalat

  • ba•gá•wak na pu•tî

    png | Bot
    :
    mataas na palumpong (Clerodendrum quadriloculare), kulay lila ang tangkay at may pumpon ng bulaklak sa dulo ng tangkay na kulay putî o mapusyaw na pink ang korola at 4 m ang taas.

  • ló•oy-ló•oy na da•kô

    png | Bot | [ Bik ]
    :
    uri ng dapò (Grammatophyllum scriptum) na may malalaki at maugat na tangkay, malaki ang bulaklak na kulay mapusyaw na lungtian o dilaw, katutubò sa Filipinas, bukod sa G. scriptum, isa pang katutubong espesye sa Filipinas ang G. speciossum na tinaguriang “Reyna ng Orkidya ng Filipinas” dahil isa sa pinakamalaking orkidya na may tíla garing na putîng bulaklak.

  • pa•ngu•ngú•sap na pa•tu•ról

    png | Gra | [ pang+u+usap na pang+turol ]
    :
    pa-ngungusap na nása anyo ng isang payak na pahayag; pangungusap na nagpapakilála o nagpapahiwatig