palabas


pa·la·bás

png |[ pa+labas ]
1:
pagtatanghal sa teatro at telebisyon : BELÁDA, PÁNOÓRIN, SHOW2 Cf PALATUNTÚNAN
2:
kunwa-kunwariang gawain upang makapanlinlang
3:
Lit katangian ng tradisyonal na panitikan, lalo ng tulang binibigkas, na may layuning magpaunawa sa madla Cf PALOÓB

pa·la·bás

pnr |[ pa+labás ]
:
nakaharap o gumagalaw patúngo sa labas.

pa·la·ba·sá

pnr |[ pala+bása ]
:
mahilig o masipag magbasá : BOOK WORM

pá·la·bá·san

png |[ pa+labas+an ]
1:
entablado o pook para sa pagtatanghal ng dula o programa
2:
kasangkapan para lumabas ang isang bagay gaya ng palabasan ng tubig o poso
3:
karaniwang oras ng paglabas sa opisina ng mga empleado.