pandan
pan·dán
png |Bot |[ Hil Seb Tag ]
:
halá-man (Pandanus tectorius ) na tuwid ang sanga, mahahabà at malago ang dahong kumpol, isa sa 48 species ng Pandanus sa Filipinas at marami sa mga ito ang katutubò gaya ng Pandanus odaritissimus na karani-wang tumutubò sa mabuhanging pook at may habilog na bungang kumpol at kulay dalandan : BÁROY,
BEACH PANDAN,
GÁ-AD,
PAN-HÁKAD,
UHANGÔ var padán
Pan·da·nan
png |Heg
:
isa sa mga pulo sa Palawan.
pan·da·ngál
pnr |[ pang+dangal ]
1:
tampok, gaya sa panauhing pan-dangal
2:
ibinibigay bílang parangal kahit hindi nagdaan sa karaniwang kahingian o gampanin para makamit ang gayong pagkilála, gaya sa dok-toradong pandangal o pangulong pandangal : HONORARY
pan·dang·gé·ra
png |[ Esp fandanguera ]
1:
Say
babaeng sumasayaw ng pandanggo, pan·dang·gé·ro kung lalaki
2:
Zoo
[Ilk]
maryákápra.
pan·dán-ma·ba·ngó
png |Bot
:
katu-tubòng pandan (Pandanus ama-ryllifolius ) na maliit, tíla roseta na makintab, at lungti ang dahon.
pandanus (pan·déy·nus)
png |Bot |[ Ing ]
:
anumang haláman (genus Panda-nus ) na pilipit ang tangkay at hugis apa ang bunga.