pan•di•wàng pa•li•pát : anyo ng pan-diwa na nangangailangan ng tuwirang layon upang mabuo ang kahulugan
pan•di•wàng pan•tú•long : pandi-wang ginagamit sa pagbuo ng pana-hunan, panagano, at iba pang anyo ng pandiwa
pan•di•wàng pa•wa•tás 1: pandiwa na walang pagtukoy sa paksa, pana-uhan, at iba pa 2: payak o simpleng anyo ng pandiwa
pan•di•wàng pam•pa•ki•ú•sap : anyo ng pandiwa na nagpapahiwatig ng paghiling o pakiusap, nilalapian ng maki- at paki-, hal makihingi, pakisara
pan•di•wàng ka•ta•wá•nin : anyo ng pandiwa na hindi nangangailangan ng tuwirang layon upang mabuo ang kahulugan