pangatnig


pa·ngat·níg

png |Gra |[ pang+katnig ]
:
salita na ginagamit upang pagdug-tungin ang mga sugnay, parirala, pangungusap, o salita, hal at, saká : CONJUNCTION1, KOPULA2

pa·ngat·níg na pa·mu·kód

png |Gra |[ pang+katnig na pang+bukod ]
:
uri ng pangatnig na ginagamit kung sa dalawa o ilang bagay at isipan, ang isa ay ibig itangi sa iba ; may anyong patanggi o pasalungat, hal “Ni ako ay di niya naaalala, ikaw pa kaya?”

pa·ngat·níg na pa·na·lu·ngát

png |Gra |[ pang+katnig na pang+salungat ]
:
uri ng pangatnig na ginagamit sa tam-balang pangungusap na ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa, hal “Gusto ko sanang makarating sa inyo, ngunit wala akong makasáma.”

pa·ngat·níg na pa·nu·ba·lì

png |Gra |[ pang+katnig na pang+subali ]
:
uri ng pangatnig na ginagamit sa pagkuku-rong pasumala, mga isipang may pasubali at mga pangungusap na pa-sakali o hindi ganap at nangangai-langan ng tulong ng kapuwa pangu-ngusap upang mabuo at makaganap sa kapararakan, hal “Kung hindi ka sasáma, hindi kami tutuloy.”