panghalip


pang·ha·líp

png |Gra |[ pang+halip ]
:
bahagi ng pananalitang binubuo ng mga salitang ginagamit na panghalili sa mga pangngalan, hal kami, ako, siya : PRONÓMBRE, PRONOUN

pang·ha·líp na di-tiyák

png |Gra |[ pang+halip na di+tiyak ]
:
panghalip na hindi tuwirang tumutukoy sa tao, hayop, bagay, lunan, o pangyayari, at iba pa sa partikular, hal sinuman, anuman, alinman, saanman : INDEPI-NIDO2, INDEFINITE PRONOUN

pang·ha·líp pa·a·rî

png |Gra |[ pang+ halip na pa+arì ]
:
panghalip na tumu-tukoy o kumakatwan sa anumang pag-aari, hal akin, kaniya, iyo : PAARÎ2

pang·ha·líp pa·mang·gít

png |Gra |[ pang+halip na pang+banggit ]
:
panghalip na tumutukoy sa isang salita o ibang salik na nagpapakilála sa isang parirala na bahagi ng paksa o panaguri at tumutukoy sa ilang salik ng pangunahing parirala, hal “Ang silya na binili mo ay matibay.” : RELATIVE3, RELATIVE PRONOUN

pang·ha·líp pa·mat·líg

png |Gra |[ pang+halip pang+patlig ]
:
panghalip na ginagamit sa pagturol o pagtukoy sa isang tao, hayop, bagay, lunan, pangyayari, at iba pa, hal ito, iyan, doon : DEMOSTRATÍBO3, PAMATLÍG

pang·ha·líp pa·na·nóng

png |Gra |[ pang+halip pang+tanong ]
:
pangha-lip na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, bagay, hayop, pook, gawain, at pangyayari, hal sino, kanino, ano, kailan, tagasaan, paano, gaano : INTERROGATIVE PRONOUN, PANANONG3

pang·ha·líp pa·ná·o

png |Gra |[ pang+ halip pang+tao ]
:
panghalip na tumutukoy sa tao : PANAO1, PERSONAL5, PERSONAL PRONOUN