pang•ngá•lang pa•lan•sák : pang-ngalang nangangahulugan ng kara-mihan o kalipunan ng marami, hal hukbo, kumpol
pang•ngá•lang may•lapì : pang-ngalang binubuo ng salitâng-ugat at ng isa o higit pang panlapi, hal aklat+an, ka+laro
pang•ngá•lang i•nú•u•lit : pang-ngalang inuulit na pinaghihiwalay ng gitling, hal bagay-bagay, sabí-sabí
pang•ngá•lang pam•bá•la•ná : uri ng pangngalan na tumutukoy sa maramihan o pangkatang pook, tao, o bagay, hal bayan, babae
pang•ngá•lang pan•ta•ngì : uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak na pook, tao, o bagay, hal Filipínas, Loida
pang•ngá•lang ha•láw : pangngalang hindi materyal na bagay ang tinu-tukoy; bagay na di-nabibílang, hal diwa, damdamin
pang•ngá•lang tam•bá•lan : pang-ngalang binubuo ng dalawa o higit pang magkaibang salita na pinag-isa, hal kapitbahay, hampáslupà