pa•ri•kít 1: pam-paganda o pampalamuti 2: hindi matapat na pahayag 3: pagpapa-dingas ng apoy o anumang ginagamit na pampadingas, gaya ng papel at kúsot
bang•kâ 1: maliit na sasakyang pantubig, karaniwang inuka sa kahoy, ginagamitan ng sagwan upang umusad, at may layag o katig kung minsan 2: pangkalahatang tawag sa lahat ng maliit na sasakyang pantubig 3: sa sugal, tao na kalaban ng tumatayâ