pasa-
pa·sa-
pnl
:
pambuo ng pandiwa na nangangahulugang “pumunta sa, ” hal pasa-Maynila, pasabáyan : PASASA-
pa·sá
pnr |[ Esp pasar ]
:
nakaabot o lu-mampas sa itinakdang hanggahan, marka, o grado, gaya sa pagsusulit var pasádo
pa·sâ
png |Med |[ Esp pasar ]
pá·sa
png
1:
[Bik Seb Tag]
bigkis ng sanggol
2:
[Esp pasar]
paglilipat o pag-aabot ng anuman sa kapuwa, gaya sa basketbol : PASS2 — pnd i·pá· sa,
mag·pá·sa,
pa·sá·han.
pa·sá·bal
png |Psd
1:
baklad na iniu-umang sa mababaw na bahagi ng tubig
2:
paraan ng paghuhulog o pag-uumang ng baklad na agila.
pa·sa·bíl
png |Psd
:
uri ng baklad.
pa·sá·bit
png |[ pa+sabit ]
:
bagay na isi-nabit bílang palamuti o pantawag ng pansin.
pa·sab·láy
png |[ ST pa+sablay ]
:
pasali-ta ngunit hindi tahasang paghamak sa isang tao.
pa·sá·bog
png |[ pa+sabog ]
1:
anu-mang bagay na ginawa para suma-bog, gaya ng rebentador, dinamita, o bomba
2:
Agr
paghahasik ng binhi sa bukid.
pa·sá·da
png |[ Esp ]
1:
aang pagbibiya-he ng paupahang dyip, karetela, bus, at katulad na sasakyan bang mis-mong biyahe
2:
pagsusuri sa nakasu-lat o nakaimprentang manuskrito
3:
sánay1 o pagsasanay
4:
madaliang paggawâ sa isang bagay na ibig matapos agad.
pá·sa·dí·so
png |[ Esp pasadizo ]
:
maki-tid na daan o daanang may bubong.
pa·sa·dór
png |[ Esp ]
1:
sanitary napkin
2:
basahan o anumang telang bina-basâ at ginagamit na pangkuskos sa mga damit na pinaplantsa : BARÁL2
pa·sad·sá·ran
png |Psd |[ pa+sadsad+ an ]
:
uri ng baklad na panghuli ng da-lag, ginagamit sa tubig-tabáng kung tag-ulan.
pa·ság
png
1:
galaw na papitlag, gaya ng isda o palaka na nása káti : PULÁG
2:
pagdarabog ng nagagalit o nagta-tampo.
pa·sa·hán
png |[ Esp pasa+Tag han ]
:
pagpapása ng isang bagay mula sa isa túngo sa ikalawa, ikatlo, at iba pa.
pa·sá·he
png |[ Esp pasaje ]
2:
lakbáy o paglalakbay
3:
makipot na daan o lagusan.
pa·sa·hé·ro
png |[ Esp pasajero ]
:
tao na nagbayad para makasakay sa isang sasakyan, pa·sa·hé·ra kung babae : PASSENGER,
SAKÁY1
pa·sák
png |[ ST ]
:
maikling tarugo na humahawak sa dalawang talím ng gunting.
pa·sá·ka
png |Agr |[ pa+saka ]
:
lupang ipinaaararo o pinatataniman.
pa·sa·ka·lì
pnr |Gra |[ pa+sakali ]
:
nag-papakilála o hinggil sa panagano ng pandiwa, na pasumala o may pasu-bali ang pagiging ganap, hal “Kung dumating ka kahapon, nagkausap sana tayo.”
pa·sa·kál·ye
png |Mus |[ Esp pasacalle ]
1:
masiglang martsa Cf OBERTÚRA
2:
pambungad na bahagi ng musika : TAMBILÍNG1
pa·sa·kát
png |[ Bik pa+sakat ]
:
pagkuha ng niyog na gagawing kopra — pnd mag·pa·sa·kát,
pu·ma·sa·kát.
pa·sa·káy
png |[ ST ]
:
pagtataas sa isang tao at biglang paghahagis sa lupa.
pa·sa·kí
png |Zoo |[ Ilk ]
:
maliit na áso na maaaring kandungin.
pa·sak·láng
pnr |[ pa+saklang ]
1:
nau-ukol sa pagsakay na nakabuka ang mga paa, hal pagsakay sa kabayo
2:
katulad na posisyon.
pá·sal
png
1:
2:
[ST]
paglalagay ng patay sa isang banig na kawayan na nagsisilbing ataul
3:
[ST]
talaksán ng kahoy na panggatong — pnd i·pá·sal,
mag·pá·sal.
pa·sa·lá·mat
png |pa·sa·sa·lá·mat |[ Bik Hil Kap Pan Seb Tag War pa+salamat ]
1:
pag·pa·pa·sa·lá·mat pagkilála o pagtanaw ng utang na loob sa tinang-gap na tulong, paglilingkod, pamimi-tagan, at iba pa : ACKNOWLEDGEMENT3,
HAWHÁW1,
PA-NAGYÁMAN var pasasalámat
2:
pagdiriwang o piging para magpahayag ng pasalamat : KANDÚRI,
THANKSGIVING
pa·sa·lám·bang
png |Psd
:
sa Batangas, palakayang kahawig ng pukot.
pa·sa·lay·sáy
pnr |[ pa+salaysay ]
:
ukol o may kaugnayan sa salaysay.
pa·sa·li·tâ
pnr |[ pa+salitâ ]
pa·sa·li·wâ
pnr |[ pa+saliwa ]
:
salungat sa o laban sa.
pa·sa·lu·bóng
pnb
:
patúngo o pabang-ga sa dumaratíng.
pa·sa·lú·bong
png |[ pa+salubong ]
:
anu-mang bagay na inihanda ng isang dumating para sa dinatnan — pnd i·pa·sa·lú·bong,
mág·pa·sa·lú· bong,
pa·sa·lu·bú·ngan.
pa·sa·lu·ngá
pnb |[ pa+salunga ]
1:
pasalubóng ang direksiyon o pagka-kalagay
2:
papunta sa itaas.
pa·sa·lu·ngát
pnr |[ pa+salungat ]
:
pa·sa·mâ
png |[ pa+samâ ]
:
túngo sa pagiging masamâ o nagiging masa-mâ.
pa·sa·má·no
png |Ark |[ Esp ]
1:
paha-lang na kahoy o bató sa pang-ilalim na bahagi ng bintana : BABAHÁN2,
KÁPAKÁPA2,
PALÁBABÁHAN2,
PALADPÁD var pasimáno
2:
liston ng mga balustre sa balkonahe : BARANDILYA2
pa·sán
png
1:
2:
bagay na dalá sa balikat — pnd i·pa·sán,
mag·pa·sán,
pa·sa·nín,
pu·ma·sán.
pa·sáng
png |[ ST ]
1:
paglalagay ng arkabus sa patungán nitó nang naka-umang
2:
Bot
palma na nagbibigay ng kaunting tubâ.
pá·sang
png |[ ST ]
1:
2:
pagpa-sok sa isang makipot na puwang o bútas
3:
patpat na inilalagay sa pagdalisay ng alak.
pa·sa·ngá
png |[ Ilk ]
:
hawakán ng tira-dor.
pa·sang·pa·la·ta·yá
png |[ ST ]
:
táong mapagbalatkayô at nais paniwalain ang iba.
pa·sá·nin
png |[ pasan+in ]
1:
tao na nása ilalim ng pananagutan ng iba, gaya ng anak na walang hanapbúhay at umaasa lámang sa magulang : PASÁNG-KRUS
2:
pa·sán·te
png |[ Esp ]
:
mág-aarál na naghahanda para sa pagtatapos.
pa·sa·pór·te
png |[ Esp ]
:
opisyal na dokumentong nagpapahintulot sa tao upang makapaglakbay sa ibang bansa : PASSPORT
pa·sa·rá
pnr |Lgw |[ pa+sara ]
:
sa punto ng artikulasyon, tumutukoy sa pone-mang nabibigyang realidad sa pama-magitan ng pagsara ng dalawang labì at pagbukás nitó, gaya ng mga kati-nig na p at b : LABIAL
pa·sa·ríng
png |[ pa+sáring ]
pa·sar·lák
png |[ ST ]
:
kalantóg na gina-gawâ sa buhô ng kawayan upang ipantakot ng ibon.
pa·sa·sà
png
2:
[Kap Tag]
pagpapakabu-sog, kung sa pagkain — pnd mag·pa· sa·sà,
pag·pa·sa·sá·an.
pa·sát
png
:
pagbugbog o pananakit sa kapuwa — pnd mag·pa·sát,
pa·sa· tín,
pu·ma·sát.
pa·sa·ti·yém·po
png |[ Esp pasatiempo ]
:
libang1 o paglilibang.
pa·sa·tó·do
pnr pnb |[ Esp ]
:
pinararaan o tinatanggap ang anumang bagay nang hindi pinag-uukulan ng pansin.
pa·sáw
png
:
ingay ng pagpasag ng isda sa tubig.
pá·saw
png |Bot
:
haláman na may balát na nagagawâng lubid, naigugulay ang murang talbos, at karaniwang tumutubò sa palayan.
pa·sa·wáy
pnr |[ pa+saway ]
:
mahilig kumilos o gumawa ng laban sa tun-tunin o kaugalian.
pá·saw na ha·páy
png |Bot
:
haláman na tuwid, masanga, at makinis ang tangkay, lungti o lila ang dahon, at may bulaklak na apat ang talulot.
Pá·say
png |Heg
:
lungsod sa National Capital Region ng Filipinas.