patol


pá·tol

png
1:
sa pagluluto ng munggo, ang butil na hindi naluluto dahil sadyang hindi na lumalambot
2:
Med [Seb] epilepsiya.

pá·tol

pnd |pa·tú·lan, pu·má·tol |[ Kap Tag ]
:
pansinin o labánan ang alám na walang-káya.

Pa·to·là Ka·o·rá·yan

png |[ Mrw ]
1:
Lit Mit sa Darangan, kasuotang panlalaki na nagiging tagabulag ng tao na magsuot nitó
2:
Mit bordadong sintu-ron na may bisang tagabulag.

pa·tó·lang gú·bat

png |Bot |[ patola+ng gubat ]
:
baging na hugis puso ang dahong nahahati sa lima o pitong pilas, malakí at putî ang bulaklak, at matingkad na pulá ang bilóg na bunga : KABALONGA, TABÓBOK, TABU-GOK

pa·tó·lang i·ló·ko

png |Bot |[ patola+ng iloko ]
:
uri ng patola na makinis at parang batutà ang bunga.

pa·tó·lang ta·gá·log

png |Bot |[ patola+ ng+tagalog ]
:
uri ng patola na ang bunga ay may mga lihà na parang bunga ng balimbing.

pa·tó·lang u·wák

png |Bot |[ patola+ng uwak ]
:
baging na magaspang, may malapad na dahon, murang dilaw ang bulaklak, malaki at hugis itlog ang bungang may tíla mga tinik : BALBAS BAKIRO

pa·tó·lo·gó

png |[ Esp ]
:
dalubhasa sa patolohiya.

pa·to·lo·hí·ya

png |Med |[ Esp patología ]
:
agham na tumutuon sa pag-aaral ng sanhi, palatandaan, at paggamot sa sakít : PATHOLOGY