pawi


pa·wì

png |[ Tsi ]
1:
lubos na pagkawala, gaya ng pagpawi ng gálit at lungkot
3:
pag-alis o pagbura var payì — pnd i·pam·pa·wì, mag·pa·wì, pa·wí·an, pa·wí·in, pu·ma·wì.

pá·wid

png |Bot
:
dahon ng sasang gina-gamit na pang-atip : BÁDOK3 Cf NÍPA

pa·wí·kan

png |Zoo |[ Bik Ilk Seb Tag ]
:
reptil (Chelonia mydas ) na malaki kaysa pagong, may matigas na talu-kab sa likod, walang ngipin ngunit may sapot na pangabkab ng pagkain : BILDOG, KAWÚT, TORTOISE

pa·wí·ngi

png |Mit |[ Ifu ]
:
huni ng ído, na nagbabadya na magkakasakít o mamamatay ang sinumang kaanak na naiwan.

pá·wi-pa·wí·kan

png |Bot
:
baging (Hoya imbricata ) na madagta at abu-hing lungti ang malukong na dahon na masinsin ang pagkakahilera sa isang tangkay.

pá·wis

png
1:
maalat-alat at butil-butil na likidong lumalabas sa balát dahil sa init o pagod : ÁTING, BÁLHAS, GÁYHO, INALÉNGDENG, LÍNG-ET, PERS-PIRATION, SINGÓT1, SWEAT, ÚGGANG
2:
ang namumuong singaw na bumaba-lot sa anumang sisidlan ng malamig o mainit na tubig
3:
gawaing pi-naghirapang tapusin — pnd mag·pa· pá·wis, pa·wí·san.

pa·wi·sâ

png |[ ST ]
:
paghadlang sa isang tao sa paggawâ nitó ng isang bagay.

pa·wí·sak

png |[ Kal ]
:
pendant na gawâ sa nakar : PAWEKAN var bawisak

pa·wi·sán

pnr |[ pawis+an ]
:
tigmak sa pawis.