pista


pis·tá

png |[ Esp fiesta ]
1:
taunang pagdiriwang na karaniwang panre-lihiyon, pag-alaala, o pagpupugay sa pangyayari, tao, at iba pa : FEAST, FÉSTIVÁL1, FESTIVITY, GÚTAD1, PESTÉHO, PÉSTIBIDÁD, PIYÉSTA
2:
pigíng : FEAST, PIYÉSTA — pnd i·pag·pis·tá, ma·ki·pa· mis·tá, ma·mis·tá
3:
pagkakaroon ng pagdiriwang : FEAST, PIYÉSTA

pis·tâ

png
1:
pagpintas sa kapuwa o sa isang bagay
2:
[Esp] lane.

pis·tá ka ká·ro

png |[ Bag ]
:
ritwal na pag-aalay ng mga gamit na pam-bungkal ng lupa bago magsimula ang panahon ng pagtatanim.