plantsa


plán·tsa

png |[ Esp plancha ]
1:
kasang-kapang pinaiinit sa pamamagitan ng koryente o bága, ginagamit sa pag-unat ng mga gusot, gaya sa tela, papel, at katulad : HAPÍTAN, IRON4 var plánsa Cf PRÍNSA — pnr plan·tsá·do — pnd mag·plán·tsa, ma·ma·lán·tsa, plán·tsa·hín
2:
manipis na piraso ng metal, karaniwang ginagamit sa paglilimbag : PLATE5, PÓHAS4

plán·tsa·dór

png |[ Esp planchador ]
:
tao na pamamalantsa ang gawain.