ponema


po·né·ma

png |Gra Lgw |[ Esp fonema ]
:
sa ponetika, alinman sa mga yunit ng tunog sa isang tiyak na wika na nagbibigay ng ibang kahulugan sa isang salita : PHONEME

po·né·mang seg·men·tál

png |Gra Lgw |[ Esp fonéma+Tag na + Esp segmentál ]
:
tunog na ginagamitan ng mga katum-bas na letra o titik upang mabása o mabigkas.

po·né·mang súp·ra·seg·men·tál

png |Gra |[ Esp fonéma+na suprasegmentál ]
:
makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat ; sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.