post exchange (post eks•tséynds) : maliit na tindahan para sa mga sundalo, na nagbebenta ng mga uniporme, insignia, at mahahalagang kalakal o paninda
ex post (eks póst) 1: itinakda ayon sa aktuwal na resulta sa halip na panghuhula lámang 2: pinaikling ex post facto
post office (post ó•fis) : ang tanggapan ng pamahalaan na may tungkuling mamahala sa paghahatid ng mga sulat at iba pang bagay sa pamamagitan ng koreo
post restante (post res•ánt) 1: paalala sa liham na panatilihin ito sa tanggapan ng koreo hanggang ku-nin ito ng may-ari pagsapit ng itinakdang araw 2: ang kagawaran ng tanggapan ng koreo na nagtatago ng ganitong mga liham.