pr
PR (pí·ar)
daglat |[ Ing ]
:
public relations.
practise (prák·tis)
pnd |[ Ing ]
:
ipraktis o magpraktis.
praecepe (práy·si·pí)
png |Asn |[ Lat ]
:
malakíng kalipunan ng mga bituin sa konstelasyon ng Cancer.
praenomen (pri·nó·men)
png |[ Ing ]
:
ang una o personal na pangalan ng sinaunang Romano.
pra·gá·ta
png |Ntk |[ Esp fragata ]
:
bapor na pandigma noong ikala-bingwalo at ikalabinsiyam na dantaon, mabilis, at may katamta-mang lakí.
pragmatics (prag·má·tiks)
png |[ Ing ]
:
sangay ng lingguwistika na tumutuon sa gamit ng wika.
prag·má·ti·kó
pnr |[ Esp pragmatico ]
1:
tinitingnan ang bagay-bagay alinsunod sa praktikal na panga-ngailangan o ibubunga ng mga ito : PRAGMATIC
2:
tinitingnan ang mga katotohanan sa kasaysayan alinsu-nod sa mga praktikal na aral nitó : PRAGMATIC
prág·ma·tís·mo
png |[ Esp ]
1:
pragma-tikong asal o pamamaraan : PRAGMA-TISM
2:
pilosopiya na nagtatása sa mga paniniyak batay lámang sa mga praktikal na bunga nitó at may kaug-nayan sa interes ng tao : PRAGMATISM
prá·hu
png |[ Ing Mal ]
:
sasakyang-dagat na may malakíng patatsulok na layag at iisa ang katig Cf PARAW
praise (preys)
png |[ Ing ]
:
puri3 o papuri.
prajna (práz·na)
png |[ San prajña ]
:
sa Budhismo, taal na pagkatanto sa katotohanang itinurò ni Budha at isang antas na kailangan upang makaratíng sa nirvana.
prak
png |[ Esp Fre frac ]
1:
damit pam-babae
2:
sotana ng fraile o monghe
3:
amerikanang may pabuntot na mahabà.
pra·ká·so
png |[ Esp fracaso ]
1:
pagiging bigô
2:
bagsak2 o pagbagsak.
prák·ti·kál
pnr |[ Ing practical ]
1:
angkop sa tunay na paggamit : EXPEDIENT1,
PRACTICAL,
PRÁKTIKÓ
2:
taglay sa isip ang mga ibubunga, kabuluhan, kapakinabangan, at iba pa : EXPEDIENT1,
PRACTICAL,
PRÁKTIKÓ
prák·tis
pnd |[ Ing practice ]
1:
gumawâ nang madalas : PRACTISE
2:
gawing paulit-ulit, gaya ng pagsasanay, upang mapabuti ang kakayahan : PRACTISE
prak·ti·sá·do
pnr |[ Ing practice+Esp –ado ]
:
sanáy na sanáy ; may mahabàng praktis.
prak·tís·yo·nér
png |[ Ing practitioner ]
:
tao na nagsasakatuparan ng kaniyang propesyon, lalo sa medisina : PRAK-TIKÁNTE,
PRACTITIONER
praline (pra·lín)
png |[ Ing ]
:
substance na makinis, matamis, gawâ sa nuwes na pinakuluan sa asukal, at karani-wang ginagamit na pambalot sa tsokolate.
prá·na
png |[ Ing San ]
1:
sa yoga, ang mahalagang prinsipyo
2:
isa sa limang pangunahing hininga sa katawan
3:
Bio
hinga1 o paghinga.
prandial (prán·di·yál)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa tanghalian o hapunan.
pra·né·la
png |[ Esp franela ]
prang·ké·o
png |[ Esp franqueo ]
:
pribilehiyong pangkoreo.
prang·kí·sa
png |[ Esp franquicia ]
1:
karapatang bumoto : FRANCHISE
2:
pribilehiyong ipinagkakaloob ng pamahalaan sa isang tao o pangkat ng mga tao upang maglingkod : FRANCHISE
3:
permiso na ipinagka-loob ng pabrikante sa distributor o retailer upang makapagbenta ng produkto : FRANCHISE
4:
ang permi-song ibinibigay para sa puwesto nitó : FRANCHISE
5:
kalayaan, lalo sa pagkabilanggo o pagkaalipin : FRANCHISE
prán·ha
png |[ Esp franja ]
1:
2:
3:
prankster (prángks·ter)
png |[ Ing ]
:
tao na mahilig magbiro o manloko.
Pran·sis·ká·no
png |[ Esp franciscano ]
:
kasapi ng panrelihiyong orden na itinatag ni San Francisco noong ika-labintatlong siglo : FRANCISCAN
praseodymium (préy·si·dím·yum)
png |Kem |[ Ing ]
:
metalikong element, malambot, pinilakan, at matatagpuan sa maraming mineral (atomic number 59, symbol Pr ).
pras·kó
png |[ Esp frasco ]
:
uri ng bote na karaniwang ginagamit bílang sisidlan ng pabangó, mermelada, at harabe.
pra·ter·nál
pnr |[ Esp fraternal ]
:
ukol sa o may kaugnayan sa praternidad.
pratique (pra·tík)
png |[ Ing ]
:
lisensiya o permiso na makagamit ng port, ipinagkakaloob sa barko na naku-warentina matapos maipakíta nitó ang malinis na kartelon ng kalusugan.
pra·tri·sí·da
png |Bat |[ Esp fratricida ]
:
tao na pumatay o nakapatay sa sariling kapatid.
pra·tri·síd·yo
png |Bat |[ Esp fratricidio ]
1:
pagpatay sa sariling kapatid : FRATRICIDE
2:
tao na pumatay sa kaniyang kapatid : FRATRICIDE
praxis (prák·sis)
png |[ Ing ]
1:
umiiral na kalakaran o kaugalian
2:
praktika ng sining o kasanayan.
prayer rally (pré·yer rá·li)
png |[ Ing ]
:
malakíng pagtitipon upang magda-sal.
pre-
pnl |[ Ing ]
:
unlapi na nanganga-hulugang bago maganap o bílang paghahanda, hal premarital, prehis-tory.
prearrange (prí·a·réynds)
pnd |[ Ing ]
:
isaayos o mag-ayos muna bago ang takdang petsa o gawain.
pre·bén·si·yón
png |[ Esp prevencion ]
:
kilos para pigilin na maganap ang isang bagay o pangyayari : DALÚNAP2,
PREVENTION
pre·bis·yón
png |[ Esp prevision ]
1:
paglalaan ng probisyon para sa hi-naharap : FORESIGHT
2:
pagkakaka-roon ng kapangyarihan o kakaya-hang makíta ang hinaharap : FORE-SIGHT,
PREVISION,
PRESCIENCE
3:
pagtingin sa hinaharap : FORESIGHT
Precambrian (pri·kám·bri·yán)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa kauna-unahang yugto ng panahong heolohiko mula sa pormasyon ng daigdig hanggang sa mga unang anyo ng búhay.
precaution (pri·ków·syon)
png |[ Ing ]
1:
paunang pag-iingat
2:
ingat2 o pag-iingat.
precedence (pré·si·déns)
png |[ Ing ]
1:
priyoridad sa oras, pagkakasunod, halaga, at iba pa
2:
sanhi upang pag-simundan
3:
karapatang mauna sa iba sa mga pormal na okasyon.
precedent (pré·si·dént)
png |[ Ing ]
1:
Bat
legal na desisyon o uri ng pama-malakad na nagsisilbing makapang-yarihang tuntunin o padron
2:
anumang kilos, desisyon, o kaso na nagsisilbing patnubay o hustipikas-yon para sa hinaharap na sitwasyon.
precentor (pri·sén·tor)
png |[ Ing ]
:
tao na namumunò sa pagkanta ng koro o kongregasyon sa simbahan.
precipitate (pre·sí·pi·téyt)
pnd |[ Ing ]
1:
pabilisin ang pangyayari
2:
mabilis na dalhin sa isang kalagayan o kon-disyon
3:
Kem
gawing solido at hindi natutunaw ang isang substance mula sa solution
4:
Pis
ikalat, gaya ng tubig na namuo sa ulap at bumuhos bílang ulan.
précis (préy·si)
png |[ Ing ]
:
maikling lagom.
precise (pri·sáys)
pnr |[ Ing ]
1:
tiyak na tiyak
2:
walang labis, walang kulang.
precision (pri·sí·syon)
png |[ Ing ]
:
kalagayan o katangian ng pagiging tiyak, malinaw, o mahigpit.
precocial (pri·kó·syal)
pnr |Zoo |[ Ing ]
:
sa mga ibon, nagkakaroon ng inakáy, at may kakayahang maghanap ng sariling pagkain pagkalabas na pagkalabas mula sa napisâng itlog.
precocious (pri·ków·syus)
pnr |[ Ing ]
1:
maagang umunlad ang pag-iisip at ilang katangian
2:
kakikitahan ng maagang pag-unlad.
preconceive (pri·kon·sív)
pnd |[ Ing ]
:
maunang bumuo ng idea o konsepto.
precondition (pri·kon·dí·syon)
png |[ Ing ]
:
pangunang kondisyon na dapat gawin o isaalang-alang bago gawin ang iba pa.
precursor (pri·kér·ser)
png |[ Ing ]
:
tao o bagay na nauuna at nagbabadya ng pagdatíng ng kasunod.
predator (pri·déy·tor)
png |[ Ing ]
1:
Zoo
hayop na naninilà ng ibang hayop
2:
estado, at iba pa na may ugaling manakop at magpahirap sa iba.
predecessor (pri·di·sé·sor)
png |[ Ing ]
:
tao na nauna sa paghawak ng tungkulin.
predestination (pri·dés·ti·néy·syon)
png |[ Ing ]
:
sa teolohiyang Kristiyano, dibinong pagtatalaga ng lahat ng magaganap, lalo kung sino ang maliligtas.
predetermination (prí·di·tér·mi·néy· syon)
png |[ Ing ]
1:
nauna nang pasiya o palagay
2:
pagpanig o pagkíling, gaya ng hukom na hindi pa naka-gagawâ ng paglilitis.
predetermine (prí·di·ter·mín)
pnd |[ Ing ]
:
pangunahan ang pagpapasiya.
predict (pre·díkt)
pnd |[ Ing ]
:
hulaan ; tiyakin.
predictable (pre·dík·ta·ból)
pnr |[ Ing ]
1:
nahuhulaan ; naaasahang maga-nap
2:
sa tao, madalîng mabatid ang ikikilos.
pre-empt (pri·émpt)
pnd |[ Ing ]
1:
maunang itakda
2:
kunin o iangkop nang maaga kaysa takdang panahon
3:
iwasan ang atake, sa pamamagitan ng pagsupil sa kalaban.
prefab (prí·fab)
png |Kol |[ Ing ]
:
prefabricated building.
prefabricate (pri·fáb·ri·kéyt)
pnd |[ Ing ]
:
gawin muna ang mga bahagi, gaya sa gusali at iba pa, upang madalîng mabuo kapag pinagkabit-kabit.
prefabricated building (pri·fáb·ri·kéy· ted bíl·ding)
png |[ Ing ]
:
gusaling bi-nuo ng pinagkabit-kabit na mga bahaging nauna nang ginawâ : PREFAB
prefabrication (prí·fab·ri·kéy·syon)
png |[ Ing ]
:
paggawâ ng mga bahaging pagkakabit-kabitin na lámang sa pagbubuo o pagtatayô.