asset (ás•et) 1: a kapakipakinabang o mahalagang katangian b tao o bagay na nagtataglay ng gayong katangian 2: anumang mahalagang pag-aari, lalo na yaong itinuturing na maaaring ipambayad ng utang at iba pang pananagutan 3: yaman, kabuhayan, at lahat ng pag-aari ng isang tao, korporasyon, at iba pa
quick time (kwik taym) 1: mabilis na pagmamartsa 2: normal na bilis ng martsa na magagawâ sa isang minuto ang 120 hakbang na tatlumpung pulgada ang bawat isa
fixed asset (fikst á•set) : anumang ari-ariang pangmatagalan o permanente, gaya ng gusali, lupain, kasangkapan, at iba pa, ginagamit sa pagpapatakbo ng negosyo at hindi balak na ipagbili