rehiyon


re·hi·yón

png |[ Esp region ]
1:
malawak at tuloy-tuloy na rabaw, espasyo, o lawas : AREA2, DEPPÁAR1, REGION
2:
bahagi ng rabaw ng mundo, lupa o karagatan, na napakalakí at karaniwang hindi matiyak ang lawak : DEPPÁAR1, REGION
3:
larangan ng interes, aktibidad, o gawain : DEPPÁAR1, REGION
4:
administratibong dibisyon ng lungsod o teritoryo : DEPPÁAR1, REGION
5:
Ana dibisyon ng katawan o bahagi ng katawan : DEPPÁAR1, REGION

re·hi·yo·na·lís·mo

png |[ Esp regionalismo ]
1:
prinsipyo o sistema ng paghahati ng lungsod, estado, at katulad sa magkakahiwalay na rehiyong administratibo : REGIONALISM
2:
pagtataguyod sa ganitong prinsipyo o sistema : REGIONALISM
3:
kalidad o katangiang taglay lámang ng ilang pook, gaya ng paraan ng pagsasalita : REGIONALISM
4:
masugid na pagsusulong sa interes ng sariling rehiyon : REGIONALISM
5:
Lit teorya o praktika ng pagdidiin sa katangiang panrehiyon ng isang pook o tagpuan gaya ng pagdidiin sa katutubong paraan ng pagsasalita : REGIONALISM

re·hi·yo·na·lís·ta

png |[ Esp regionalista ]
:
tao na nagtataguyod ng rehiyonalismo.