• re•hi•yo•na•lís•mo
    png | [ Esp regio-nalismo ]
    1:
    prinsipyo o sistema ng paghahati ng lungsod, estado, at katu-lad sa magkakahiwalay na rehiyong administratibo
    2:
    pagtataguyod sa ganitong prinsipyo o sistema
    3:
    kalidad o katangiang taglay lámang ng ilang pook, gaya ng paraan ng pagsasalita
    4:
    masugid na pagsusulong sa interes ng sariling rehiyon
    5:
    teorya o praktika ng pagdidiin sa katangiang panrehiyon ng isang pook o tagpuan gaya ng pagdidiin sa katutubong paraan ng pagsasalita