reló
relapse (ri·láps)
pnd |[ Ing ]
1:
manumbalik sa dáting kalagayan, gawi, o katulad
2:
3:
manumbalik sa bisyo, masamâng ugali, o pagkakamali.
relate (ri·léyt)
pnd |[ Ing ]
1:
isalaysay ang pangyayari, kalagayan, o katulad
2:
itatag ang ugnayan, koneksiyon, o relasyon ; iugnay
3:
magtatag ng ugnayang panlipunan sa isang tao o bagay.
re·la·tí·bo
pnr |[ Esp relativo ]
1:
itinuturing na kaugnay ng isang bagay : RELATIVE
2:
umiiral o may tiyak na katangian batay sa ibang bagay ; hindi nagsasarili o absoluto : RELATIVE
3:
may kaugnayan o relasyon : RELATIVE
4:
relation (ri·léy·syon)
png |[ Ing ]
3:
Mat
property na nag-uugnay sa dalawang kantidad sa isang tiyak na ayos, gaya sa equality o inequality
4:
Bat
paglalahad ng impormasyon
5:
emosyonal na ugnayan, lalo na ang seksuwal na ugnayan ng dalawang tao.
relative (ré·la·tív)
png |[ Ing ]
2:
anumang nakasalalay sa ibang salik ang súkat, katangian, at katulad ; kasalungat ng absoluto
3:
Gra
panghalip pamanggit.
relative pronoun (ré·la·tív pró·nawn)
png |Gra |[ Ing ]
:
panghalíp pamanggít.
relativity (re·la·tí·vi·tí)
png |[ Ing ]
1:
pagiging kaugnay
2:
Pis
teorya na binuo, pangunahin ni Albert Einstein, at nagsasaad na ang lahat ng mosyon ay may kahulugang kaugnay ng isang balangkas ng sanggunian at relatibo sa espasyo at panahon, sa halip na mga konseptong absoluto.
relax (re·láks)
pnd |[ Ing ]
1:
bawasan ang tensiyon o pagiging mahigpit o matigas ; paluwagin
2:
bawasan ang lakas, puwersa, o lakas
3:
bawasan o pahinain ang pagpupunyagi o atensiyon
4:
sa batas at disiplina, luwagan ; bawasan ang pagiging estrikto
5:
bawasan o tigilan ang pagtatrabaho o paggawâ lalo na upang magpahinga o maglibang
6:
palayain ang sarili sa tensiyon, pagkamahiyain, o pag-aalala.
relay (rí·ley)
png |[ Ing ]
1:
serye ng mga táong naghahalinhinan
2:
bagong pangkat ng mga aso o kabayo na inihanda para sa pangangaso o paglalakbay
3:
Isp relay race ; o ang habà ng isang relay race
4:
Ele
kagamitan na binubuo ng elektromagneto at armadura upang ang pagbabago sa current o boltahe sa isang sirkito ay makalikha ng pagbabago sa kalagayang elektrikal ng isa pang sirkito o upang maapektuhan ang ibang kagamitan sa ibang sirkito.
relay (rí·ley)
pnd |[ Ing ]
1:
dalhin paharap ; isulong
2:
ipadalá muli ang senyas, mensahe, at katulad sa pamamagitan ng telegrapiya
3:
maghatid ng mensahe.
relay race (rí·ley reys)
png |Isp |[ Ing ]
:
karera ng dalawa o higit pang koponan ng mga manlalaro, na ang bawat manlalaro ay hinahalinhan ng isang kasáma sa koponan pagkaraang takbuhin ang isang bahagi ng distansiyang dapat takbuhin : RELAY3
release (ri·lís)
png |[ Ing ]
1:
paglaya o pagpapalaya mula sa pagkakapiit, obligasyon, sakit, at katulad
2:
pagkawala sa anumang pumipigil o nagtatali
3:
dokumento o impormasyong inihanda upang ilathala
4:
Bat
pagsusuko ng karapatan o katulad ; o ang dokumento na naglalaman nitó
5:
mekanismong pangkontrol na nagpapaandar at nagpapahinto sa isang makina.
re·lé·bo
png |[ Esp relevo ]
1:
pagkawala o pagkakaroon ng ginhawa sa pamamagitan ng pagtanggal ng kirot, pang-aalipustâ, o bagabag : RELIEF1
2:
bagay o paraan upang maalis ang sakit, bagabag, o katulad : RELIEF1
3:
salapi, pagkain, ibang tulong na ibinibigay sa mahirap o nangangailangan : RELIEF1
4:
pagkawala sa obligasyon, gawain, dahil sa pagdating ng kahalili o kapalit : RELIEF1
5:
reliance (ri·lá·yans)
png |[ Ing ]
1:
tiwalà2 o pagtitiwala
2:
3:
sinuman o anumang pinagkakatiwalaan o inaasahan.
relics (re·líks)
png |[ Ing ]
1:
naiwang bahagi o labí
2:
labí ng katawan ng namatay na tao.
relief (ri·líf)
png |[ Ing ]
1:
2:
Lit
biglaan na pagbabago sa eksena, leksiyon, at katulad
3:
tingkad, katanyagan na dulot ng tambis o pagkakaiba
4:
Sin
pagpapaumbok ng isang pigura o bahagi nitó kaysa ibang bahagi, gaya sa eskultura o katulad ; o pag-alsa ng ibang bahagi ng ilustrasyon o ipininta upang magkaroon ng ikatlong dimensiyon : RELYÉBE
re·li·hi·yón
png |[ Esp religion ]
1:
paniniwala sa sobrenatural na kapangyarihang kumokontrol sa lahat, lalo na sa personal na Diyos o diyos-diyusan na inaasahang sambahin o sundin : RELIGION
2:
pagpapahayag ng gayong pagsamba o pagsunod : RELIGION
3:
isang tiyak na sistema ng pananampalataya at pagsamba : RELIGION
4:
búhay ng mga monghe at madre : RELIGION
5:
bagay na pinahahalagahan : RELIGION
re·lík·ya
png |[ Esp reliquia ]
1:
naiwang alaala ng isang bagay mula sa nakaraan : RELIC
2:
labí na may mataas na halaga dahil sa kalumaan o kaugnayan nitó sa nakaraan : RELIC
3:
naiwang labí ng isang bagay : RELIC
4:
sa Simbahang Katolikaat mga simbahang Griego, ang katawan, bahagi ng katawan, o ibang personal na alaala ng isang santo, martir, o ibang sagradong tao na iniingatan at itinuturing na banal : RELIC
re·lo·he·rí·ya
png |[ Esp relojeria ]
:
tindahan o pagawaan ng relo.
re·lo·hé·ro
png |[ Esp relojero ]
:
tao na gumagawâ o kumokompone ng relo.
re·lo·kas·yón
png |[ Esp relocacion ]
1:
pook na nilipatan : RELOCATION
2:
paglipat sa bagong pook o gawain : RELOCATION
rel·ye·ná·do
pnr |[ Esp rellenado ]
:
pinalamanan, gaya ng isang paraan ng pagluluto sa manok, isda, o karne.
rel·yé·no
png |[ Esp relleno ]
:
putahe ng isda, manok, o karneng pinalamanán ng rekado.