reporma
re·pór·ma
png |[ Esp reforma ]
1:
pagpapabuti o pagwawasto sa kamalian, kasiraan, o pagiging hindi kanais-nais : REFORM
2:
pagpapabago ng kilos, paniniwala, at katulad : REFORM — pnd i·re·pór·ma,
mag·re·pór·ma,
re·pór·ma·hín.
re·por·má·do
pnr |[ Esp reformado ]
:
dumaan sa reporma o repormasyon.
re·pór·mang ag·rár·yo
png |[ reporma+ng agraryo ]
:
batas túngo sa higit na makatarungang pamamahagi ng lupaing pansakahan : LAND REFORM
re·por·mas·yón
png |[ Esp reformación ]
1:
pagbabago túngo sa ikabubuti o ikahuhusay : REFORMATION
2:
Kas sa malakíng titik, ang panrelihiyon na pagkilos noong ikalabing-anim na siglo na naglalayong baguhin ang Simbahang Katolika at naging dahilan ng pagkakatatag ng mga simbahang Protestante : REFORMATION
re·por·ma·tór·yo
png |[ Esp reformatorio ]
:
institusyong penal para sa pagreporma sa mga nagkasala, lalo na ang mga menor de-edad : REFORMATORY