repraksiyon


re·prak·si·yón

png |[ Esp refracción ]
1:
Pis pagbabago sa direksiyon ng sinag ng liwanag, tunog, init, at katulad na magiging sanhi ng pagliko o paglihis nitó kapag tumama sa rabaw ng iba’t ibang medium : REFRACTION
2:
kakayahan ng mata na magpalihis o magpaliko sa liwanag na pumasok dito upang mabuo ang anyo ng hulagway sa retina ; o pag-alam sa naturang kondisyon ng mata : REFRACTION