reyna


réy·na

png |[ Esp reina ]
1:
Pol asawa ng hari : QUEEN1
2:
Pol babaeng soberano o maharlika : QUEEN1
3:
babae na pangunahin sa isang larang, hal reyna ng pinilakang tabing : QUEEN1
4:
barahang may larawan ng reyna : QUEEN1
5:
Isp sa ahedres, ang pinakamakapangyarihang piyesa sa bawat kulay at maaaring igalaw kahit saan at walang nakaharang at saan mang direksiyon : QUEEN1
6:
Zoo babaeng langgam, pukyot, anay, o katulad na may kakayahang magkaroon ng supling : QUEEN1
7:
Kol baklang pumapapel na babae : QUEEN2

rey·ná·do

png |[ Esp reinado ]
1:
panahon ng panunungkulan ng hari o reyna : REIGN
2:
pamumuno o awtoridad ng maharlika : REIGN
3:
naghaharing impluwensiya o kapangyarihan : REIGN

rey·nán·te

pnr |[ Esp reinante ]
:
nanunungkulan bílang hari o reyna ; namumuno.