romano


Ro·má·no

pnr |[ Esp ]
1:
Ant hinggil sa sinauna o modernong lungsod ng Roma o hinggil sa mamamayan, kultura, at kaugalian nitó : RÓMAN
2:
hinggil sa sinaunang kaharian, republika, at emperyo na lungsod ng Roma ang kabesera : RÓMAN
3:
may katangian o uring itinuturing na kaugnay ng sinaunang Romano : RÓMAN
4:
sa paglilimbag, karaniwang nása maliit na titik, hinggil sa tipo na may estilong patayo at karaniwang ginagamit sa pag-imprenta ng mga aklat, diyaryo, at katulad : ROM, RÓMAN
5:
hinggil sa simbahang Katolika : RÓMAN
6:
Ark hinggil sa o kahawig ng arkitektura ng sinaunang Roma, lalo na ang arkitekturang publiko at panrelihiyon na nagpapamalas ng malalaking konstruksiyon na kongkreto o gawâ sa ladrilyo : RÓMAN
7:
Mat nakasulat sa o hinggil sa mga Romanong bílang : RÓMAN
8:
Lgw batay sa sinaunang Romanong sistema ng pagsulat ; titik A-Z : RÓMAN