sakay


sa·káy

png
1:
[Akl Bik Hil Ilk Iva Mag] pasahero
2:
anumang ikinakarga, karaniwang sa sasakyan, at dinadalá mula sa ibang pook patúngo sa isang pook Cf KÁRGO1 — pnd mag·sa·káy, sa·ka·yán, sak·yán, su·ma·káy
3:
[Bik Pan] paglalakbay sa karagatan
4:
[Mag] paggamit ng sagwan.

sá·kay

png |[ ST ]
1:
pagdating sa isang pook
2:
pagtindi ng lamig o init na nararamdaman ng maysakit
3:
ang mga tagasagwan at lahat ng táong sakay sa isang bangka.