tax (taks) 1: kontribusyon sa kíta o pinagkikitahan ng estado na sapilitang ipinapataw sa mga indibidwal, ari-arian, o mga negos-yo; sapilitang pagbabayad ng per-sentahe sa kinita, halaga ng ari-arian, at iba pa bílang tulong sa pamahalaan at pamamalakad nitó 2: isang uri ng pahírap sa búhay.
tax exemption (taks eg•sémp•syon) 1: pagiging libre sa pagbabayad ng buwis 2: mga buwis na hindi kailangang ipagbayad.
poll tax (pol taks) : nakatak-dang buwis na ipinapataw sa lahat ng mga nása hustong gulang nang hindi isinasaalang-alang ang kanilang kíta o pag-aari.
income tax (ín•kam taks) : buwis na ipinapataw sa kíta; taunang buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa personal na kíta at may pinag-babatayang antas ng mga singilin at exemption
value added tax (vál•yu ád•ed tax) : tax sa itinaas ng halaga ng produkto sa bawat yugto ng produksiyon