saliw


sa·líw

png |[ Ilk ]
:
pamimilí ng alipin.

sá·liw

png |Mus
1:
maganda at maayos na pagsáma-sáma ng mga tunog : AKÓMPANYÁ, AKÓRDE, BÁGE2, DÚYOG2, TINÓNG
2:
tunog ng instrumentong pangmusika na isinasabay sa pagkanta : AKÓMPANYÁ, AKÓRDE, BÁGE2, DÚYOG2, TINÓNG
3:
pagpapatunog ng kampana para sa isang namatay.

sá·liw

pnb |[ Mag ]
:
nása labas.

sa·li·wâ

pnr
1:
magkabaligtaran ang pares, gaya ng kanang tsinelas na naisuot sa kaliwang paa at kaliwang tsinelas na naisuot sa kanang paa : TALIPÂ
2:
hindi magkapantay.

sa·li·wa·náy

png |[ Ilk ]
1:
kawit ng hikaw
2:
Psd lubid na panghila ng malakíng lambat.

sa·li·wa·sú·wa

png |Bot |[ Hil Seb War ]

sa·li·wáy

pnr
1:
nagtagay na magkakawit ang mga bisig
2:
dinadalá sa ibabaw ng dalawang tabla.