sanggunian


sang·gu·ni·án

png |[ sangguni+an ]
1:
pagtuturò sa ibang bukal ng impormasyon o karagdagang impormasyon ; marka na nagpapahiwatig nitó gaya ng asterisko : REFERENCE, REPERENSIYÁ
2:
paglalahad, karaniwang nakasulat hinggil sa kakayahan at katangian ng isang tao : REFERENCE, REPERENSIYÁ
3:
tao na tinutukoy na maaaring magpatunay sa kakayahan, katangian, at katulad : REFERENCE, REPERENSIYÁ
4:
lupon na kinokonsulta sa mga bagay na dapat gawin : COUNCIL, KALUPUNÁN2, KONSÉHO1

sáng·gu·ni·áng bá·yan

png |Pol |[ sangguni+an+ng báyan ]
:
lupon ng mga konsehal : HÚNTA MUNISIPÁL, KONSEHO MUNISIPAL

sang·gu·ní·ang pan·la·la·wí·gan

png |Pol |[ sangguni+an+na pang+la+láwig+an ]
:
lupon ng mga bokal ng lalawigan : HÚNTA PROBINSIYÁL, KONSÉHO PROBINSIYÁL

sáng·gu·ni·áng pán·lung·sód

png |Pol |[ sangguni+an+na pang+lungsod ]
:
lupon ng mga konsehal ng lungsod Cf CABILDO