santa
sán·ta
png |[ Esp ]
:
babaeng santo.
sán·ta á·na
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.
san·ta·bì
png |[ ST isang+tabì ]
:
pagpapakíta ng paggálang.
Santa Claus (sán·ta kloz)
|Mit |[ Ing ]
:
tao na sinasabing nagbibigay ng regalo sa mga batà tuwing bisperas ng Pasko.
Santa Cruz (sán·ta krus)
png |Heg
:
kabesera ng Laguna.
san·ta·krú·san
png |[ Esp santa+cruz+Tag an ]
:
prusisyon tuwing buwan ng Mayo na gumugunita sa paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo at tinatampukan ng mga sagala.
santa maria (san·tá mar·yá)
png |Bot |[ ST Esp ]
:
isang uri ng halaman.
san·tán
png
1:
Bot
[Bik Iba Kap ST]
maliit na palumpong (Ixora stricta ), 3 m ang taas, may mga bulaklak na masinsing nakakumpol pabilog at may mga kulay na pulá, dilaw, o putîng bulaklak, katutubò sa India, China, Malaya, at ipinasok sa Filipinas bago dumating ang mga Español, may 35 espesye ng Ixora na katutubò sa Filipinas at marami sa mga ito ang halámang ornamental
2:
[Bik ST]
matamís-sa-báo.
san·tán-pu·tî
png |Bot
:
palumpong hanggang maliit na punongkahoy (Ixora finlaysoniana ), 5 m ang taas, may dahong habilog ngunit kumikitid hanggang tumulis ang dulo, mas marami ang bulaklak at ang mga pumpon nitó, kulay putî at mabango, maaaring katutubò sa Thailand at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Americano.
san·tár
pnr |[ ST ]
:
lubhang mabusog dahil sa pagkain nang marami.
Sán·ta Sé·de
png |[ Esp ]
:
ang opisina o hurisdiksiyon ng Papa.