santan


san·tán

png
1:
Bot [Bik Iba Kap ST] maliit na palumpong (Ixora stricta ), 3 m ang taas, may mga bulaklak na masinsing nakakumpol pabilog at may mga kulay na pulá, dilaw, o putîng bulaklak, katutubò sa India, China, Malaya, at ipinasok sa Filipinas bago dumating ang mga Español, may 35 espesye ng Ixora na katutubò sa Filipinas at marami sa mga ito ang halámang ornamental

san·tán-pu·tî

png |Bot
:
palumpong hanggang maliit na punongkahoy (Ixora finlaysoniana ), 5 m ang taas, may dahong habilog ngunit kumikitid hanggang tumulis ang dulo, mas marami ang bulaklak at ang mga pumpon nitó, kulay putî at mabango, maaaring katutubò sa Thailand at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Americano.