• pú•la

    png | [ Ing ]
    1:
    batayang yunit na salapi ng Botswana, katumbas ng 100 thebe
    2:
    [Mag] sagwan.

  • san•tán

    png
    1:
    [Bik Iba Kap ST] maliit na palumpong (Ixora stricta), 3 m ang taas, may mga bulaklak na masinsing nakakumpol pabilog at may mga kulay na pulá, dilaw, o putîng bulaklak, katutubò sa India, Tsina, Malaya, at ipinasok sa Filipinas bago dumating ang mga Espanyol, may 35 espesye ng Ixora na katutubò sa Filipinas at marami sa mga ito ang halámang ornamental
    2:
    [Bik ST] matamis-sa-bao

  • pu•lá

    pnr | [ Bik Hil Ilk Pan Seb Tag Tau War ]
    :
    kulay na katulad ng sa dugo

  • pu•lá

    png
    1:
    [Ilk] aligi
    2:
    [Kap] paglabo ng matá.

  • pu•là

    png | [ Kap Tag ]
    :
    pintás

  • Dá•gat Pu•lá

    png | Heg
    :
    dagat sa pagitan ng Egypt at Arabia

  • it•lóg na pu•lá

    png
    :
    itlog na maalat