santo


Santo Domingo (sán·to do·míng·go)

png |Kas |[ Esp ]
:
(1170–1221) fraileng nagtatag ng ordeng Dominiko noong 1215.

san·tól

png |Bot
:
punongkahoy (Sandoricum koetjape ) na umaabot sa 20 m ang taas, may dahong mahabà ang tangkay, may mga bulaklak na lungtiang dilaw, at may bungang bilóg na dilaw ang kulay ng balát, hanggang 6 sm ang diyametro, may malalakíng butó na nababálot ng malambot at nakakaing lamán, ginagamit ding pampaasim ang bunga, kumalat mula sa India hanggang Malaya at pumasok sa Filipinas bago dumatíng ang mga Español : HANTÓL, PANTÓL, SÁNDOR

san·to·lí·na

png |Bot |[ Ing ]
:
palumpong (genus Santolina ) na aromatiko, maliit, at karaniwang dilaw ang bulaklak.

santonica (san·to·ní·ka)

png |Bot |[ Ing ]
:
palumpong (Artemisia cina ) na nakukunan ng santonin.

sán·to·nín

png |Kem |[ Ing ]
:
droga na nakalalason, mula sa halámang santonica at ginagamit na pamatay ng mga parasito : SANTONÍNA

san·to·ní·na

png |Kem |[ Esp ]

Santo Niño (sán·to nín·yo)

png |[ Esp ]
:
ang batàng si Hesus.

sán·to o·le·ó

png |[ Esp ]
:
ang sakramento ng pagpapahid ng banal na langis sa naghihingalo : UNCTION1