sapo
sa·pô
png
1:
Bot
sakwa o ang tuod ng punòng saging matapos tibain
2:
pag-apaw ng tubig sa daan o sa taniman.
sa·pód
pnd |i·si·na·pód, sa·pu·dín, su·ma·pód |[ Bik War ]
:
sagipin o sumagíp.
sa·pól
pnd |ma·sa·pól, sa·pu·lín
1:
patamaan o tamaan nang matindi o buong buo
2:
putulin hanggang sa ugat
3:
makita kung sino ang hinahanap
4:
makarating sa tamang pagkakataon
5:
gawin lahat nang magkasabay
6:
sabihin nang walang inililihim.
sa·pól
pnb
:
sa simula pa lámang.
sa·pó·la
png |[ ST ]
1:
pagtataas ng nasa ibaba o pagbabangon ng nabuwal
2:
pagtugon sa pangangailangan.
sa·pó·nin
png |Bot |[ Ing ]
:
alinman sa pangkat ng haláman (Quillaja saponaria ) na ginagamit na sabon at sangkap sa pamatay ng apoy.
sa·pót
png
:
labanán ng alagang gagamba.
sá·pot
png
1:
[Bik Hil Ilk Tag]
damit o kumot na ibinabálot sa patáy at karaniwang itim
sa·po·tá·nan
png |[ ST ]
:
uri ng kumot mula sa Borneo.
sa·pó·te
png |Bot |[ Esp zapote ]
:
punongkahoy (Pouteria sapota ) na tumataas nang 15 m, may bungang bilugan at may lamáng kakulay ng tsiko at nakakain, katutubò sa Mexico at Gitnang AmeriCa at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español Cf TSÍKO
sa·pó·te nég·ro
png |Bot |[ Esp zapote negro ]
:
punongkahoy (Diospyros ebenaster ) na 20 m ang taas, eliptiko ang mga dahon, may bungang bilóg na malamán at nakakain, at ipinasok sa Filipinas mula Mexico noong panahon ng Español.
sa·pót-sa·pót
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng isdang napakaliit.