sekular


se·ku·lár

png |[ Esp secular ]
:
paring sekular o hindi kasapi ng ordeng fraile : SECULAR Cf REGULAR

se·ku·lár

pnr |[ Esp secular ]
1:
nauukol sa mga gawain ng mundong ito ; hindi espiritwal o sagrado : PROFANE1, SECULAR
2:
sa edukasyon, hindi nauukol sa relihiyon o paniniwalang panrelihiyon : SECULAR
3:
hindi eklesyastiko o monastiko ; sa klerigo, hindi natatakdaan ng tuntuning panrelihiyon : SECULAR
4:
minsang maganap sa isang siglo o panahon
5:
nagaganap sa loob ng napakahabàng panahon : SECULAR

sé·ku·la·ri·sas·yón

png |[ Esp secularizacíon ]
1:
pagbabago ng katangian mula sa espiritwal o panrelihiyon túngo sa mga gawaing nauukol sa mundong ito : SECULARIZATION
2:
Kas sa panahon ng Español, ang pagsisikap ng mga paring Filipino na mabawasan ang diskriminasyon laban sa kanila ng mga fraileng Español at pagkakaroon ng kapangyarihan sa pagsasakatuparan ng kanilang mga tungkulin : SECULARIZATION

se·ku·la·rís·mo

png |[ Esp secularismo ]
1:
sekular na pagkíling, lalo na ang sistemang pampolitika o pampilosopiya, na nagtatakwil sa anumang uri ng pananampalataya : SECULARISM
2:
ang pagtingin na hindi dapat mahaluan ng anumang elemento ng relihiyon ang edukasyong publiko : SECULARISM