call (kol) 1: tumawag o tawagin 2: mag-anyaya o anyayahan 3: tumawag ng pansin 4: tawagan sa telepono 5: tanggapin, halimbawa ang isang hámon
curtain call (kúr•teyn kol) : ang pagbabâ at pagtaas ng kortina sa entablado sa simula at wakas ng pagtatanghal
sick bay (sik bey) 1: bahagi ng barko na ginagamit bílang ospital 2: anumang silid o katulad para sa maysakít
call center (kol sén•ter) : isang sentralisadong opisina na tumutugon sa mga tawag ng kostumer na nangangailangan ng impormasyon o dumudulog sa reklamo hinggil sa isang produkto o serbisyo ng isang kompanyang multinasyonal.