sinsoro
sin·só·ro
png |Psd |[ Esp chinshorro ]
:
pangkalahatang tawag sa lambat na may pabigat at ginagamit sa baybayin.
sin·só·rong-ha·po·nés
png |Psd |[ Esp chinshorro+na+Japones ]
:
lambat na panghúli ng dalagang bukid o laba-hita.
sin·só·rong-pan·dá·yo
png |Psd |[ Esp chinshorro+na+pang+dayo ]
:
uri ng lambat na panghúli ng tuna sa laot.
sin·só·rong-pang·gí·lid
png |[ Esp chinshorro+na+pang+gilid ]
:
lambat na ginagamit sa baybayin.