nét•work 1: ayos ng salít , salít na pahalang at patayông linya tulad ng estruktura ng net 2: komplikadong sistema ng riles, kanal, at iba pa 3: pangkat ng mga tao na nagpapalitan ng impormasyon at karanasan para sa layuning pampropesyon at panlipunan 4: kadena ng mga magkakabit na computer, mákiná, o anumang operasyon 5: sistema ng nagkakabit na konduktor na elektriko 6: pangkat ng mga estasyon sa ugnayang pangmadla tulad ng radyo at telebisyon
social realism (só•syal re•ya•líz•em) : uri ng realismo na tahasang pumupuna sa umiiral sa kaayusang panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan, hábang isinusulong o ipinagdiriwang ang karapatan ng mga manggagawà at ibang nása mababàng uri ng lipunan
social climber (só•syal kláy•mer) : tao na nagpupumilit o nag-hahangad na mapabílang sa higit na mataas na katayuang panlipunan
social work (só•syal work) : organisadong gawain para sa pag-papabuti ng kalagayang panlipunan, gaya ng pagbibigay ng benepisyo sa mga nangangailangan
social contract (só•syal kón•trakt) : teoretikong batayan sa de-mokratikong estado, na may kasun-duan ang mamamayan at ang pamahalaan upang magtulungan para sa panlipunang benepisyo
social secretary (só•syal sek•re•tá•ri) : tao na nagsasaayos ng mga panlipunang gawain ng isang tao o organisasyon
social conscience (só•syal kón•syens) : pag-iisip o pagtingin na may responsabilidad ang tao sa mga suliranin at kawalan ng katarungan sa lipunan