ór•der 1: mag-utos; atasan 2: abisuhan o ipaalam ang mga bagay na kailangan, kara-niwan sa pabrikador, mángangalakál, weyter, at iba pa 3: isaayos; ayusin
ór•der 1: útos 2: áyos1 o kaayusan 3: a abiso o paalám sa isang pabrikador, mángangalakál, weyter, at iba pa, karaniwang naka-sulat, upang isuplay ang mga bagay na hiniling b Ekn Kom kantidad ng mga suplay ng kalakal 4: kabuuan o balangkas ng mundo, lipunan, at iba pa 5: anuman sa mga estilo ng sinaunang arkitektura na makikilála sa pama-magitan ng mga tipo ng kolum na gi-namit 6: lalo na sa malakíng titik, pangkat ng mga bantog na tao, itinatag ng isang soberano, at igina-gawad bílang isang parangal, hal Order of Merit 7: maaari din sa malakíng titik, samahán ng mga fraile, monghe, na may tungkuling su-mailalim sa isang pag-uugali o tun-tunin sa búhay 8: a antas ng tumbasang differential b antas ng pinakamataas na deribatibo sa isang tumbasan 9: panguna-hing subdivision ng isang class o sub-class sa klasipikasyon ng mga halá-man at hayop, at binubuo ng iba’t ibang family
social realism (só•syal re•ya•líz•em) : uri ng realismo na tahasang pumupuna sa umiiral sa kaayusang panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan, hábang isinusulong o ipinagdiriwang ang karapatan ng mga manggagawà at ibang nása mababàng uri ng lipunan
world ór•der : sistema ng pagpapanatili ng kaayusan sa daigdig, lalo na ang pandaigdigang pangkat ng mga kasunduan sa pangangalaga ng kapayapaang pampolitika
social secretary (só•syal sek•re•tá•ri) : tao na nagsasaayos ng mga panlipunang gawain ng isang tao o organisasyon
social conscience (só•syal kón•syens) : pag-iisip o pagtingin na may responsabilidad ang tao sa mga suliranin at kawalan ng katarungan sa lipunan
social contract (só•syal kón•trakt) : teoretikong batayan sa de-mokratikong estado, na may kasun-duan ang mamamayan at ang pamahalaan upang magtulungan para sa panlipunang benepisyo
pós•tal ór•der : kasulatan na naglalamán ng mga pinananagutang liham at iba pang bagay na ipinadalá sa pamamagitan ng koreo
social work (só•syal work) : organisadong gawain para sa pag-papabuti ng kalagayang panlipunan, gaya ng pagbibigay ng benepisyo sa mga nangangailangan
social climber (só•syal kláy•mer) : tao na nagpupumilit o nag-hahangad na mapabílang sa higit na mataas na katayuang panlipunan