solid solution (só•lid so•lú•syon) : materyal na solid na naglalamán ng isang substance na sumanib sa isa pa
só•lid 1: matigas, buo, at matatag ang hugis; hindi likido 2: hindi hungkag na materyal o bagay 3: lubos na nagkakaisa
só•lid 1: substance o lawas na buo 2: pagkaing hindi lusaw 3: lawas o magnitud na may tatlong dimensiyon
solution (so•lú•syon) 1: kalutásan 2: a pagbabago ng anyo ng solid o gas túngong likido sa pa-mamagitan ng paghahalò ng likidong solvent b ang likidong nagagawâ sa pamamagitan nitó 3: paglusaw o pagtunaw
solid state (só•lid is•téyt) : tumutukoy sa kasangkapang elektroniko tulad ng transistor o kristal na maaaring kumontrol sa koryente nang hindi gumagamit ng gumagalaw na bagay, pinainit na filamento, at espasyo ng vacuum