summer (sá•mer) : panahon sa pagitan ng spring at autumn sa hilagang hemisphere, mula sa sum-mer solstice hanggang sa autumnal equinox, at sa timog hemisphere, mula sa winter solstice hanggang sa vernal equinox
school (is•kúl) 1: páaralán 2: mga mag-aaral 3: pangkat ng tao na magkakatulad ng pananaw, o pananaw sa mundo 4: pangkat ng mga isda, gaya ng pangkat ng lumba lumba, balyena, at iba pa
finishing school (fí•ni•syíng is•kúl) : pribadong kolehiyong pambabae na nagbibigay ng pagsasánay hinggil sa umiiral na moda o estilo, gaya sa pananamit, pananalita, o pag-uugali
summer solstice (sá•mer sóls•tis) : solstice, karaniwan tuwing 21 Hunyo na tanda ng simula ng summer sa hilagang hemisphere
indian summer (in•di•yán sá•mer) : panahon na labis ang init at tuyo ang simoy at nagaganap minsan sa hulíng bahagi ng taglagas