sungka
sung·kâ, súng·ka
png
:
laro ng dala-wang tao na naghuhulog ng bató o sigay sa 14 bútas ng kahoy na pari-habâ.
sung·kà·an
png |[ sungkâ+an ]
:
kahoy na parihabâ at may 14 bútas, gina-gamit sa paglalaro ng sungka.
sung·kád
png
:
hindi sinasadyang pag-kakíta.
sung·kád
pnd |mag·sung·kád, sung· ka·rín
1:
tingnang mabuti o suriin nang masinop ang anuman
2:
mahu-ling nagsisinungaling ang isang tao.
sung·kál
png
1:
2:
paglala-gay ng kalang o kalso upang mabuhat ang isang mabigat na bagay
3:
pama-maraan o estratehiya upang matálo ang kalaban
4:
pagsuso ng hayop.
sung·kár
png |[ ST ]
1:
paghahambing ng sukat ng isa sa iba
2:
pagsukat sa laman ng sisidlan sa pamamagitan ng isa pang sisidlan.