sungsong
sung·sóng
png
1:
[Bik Hil Ilk Kap Mag Pan Seb ST War]
paglalayag nang pasalungat sa hangin o alon
2:
[ST]
hilaga ng monsoon
3:
[ST]
pagba-bayad sa isang tao ng bahagi niya upang matira sa nagbayad ang lahat ng para sa kaniyang sarili
4:
Bot
uri ng bigas na malagkit
5:
Bot
uri ng gabe na malagkit ang lamán
6:
[Pal Tag]
maliit na ibon (family Sittidae, Sitta frontalis ), na biyoletang asul ang pakpak, dilaw o dalandan ang tukâ, at itinuturing na katangi-tanging gumagapang na ibon sa Filipinas dahil karaniwang makikíta na guma-gapang pababâ at pataas ng punong-kahoy : NUTHATCH
Sung·sóng
png |Heg |[ ST Chi ]
:
sina-unang tawag sa China.