ta


ta

pnh |[ Bik Hil Iba Iva Pan Tag ]
:
tinipil na anyo ng natá.

ta

png
:
tawag sa T sa abakadang Tagalog.

Ta (tí ey)

symbol |Kem |[ Ing ]

tá·ad

png |Agr
:
pútol ng tubó na itatanim : SALÓG2, TABTÁB, TIBTÍB1 Cf BUYBÓY1, PASÚPLING

tá·ag

png |Bot
:
punongkahoy (Kleinhovia hospita ), tumataas nang 8–15 m, may malapad at hugis itlog na dahon, pink na bulaklak, at tíla kapsulang bunga na manipis ang balát.

ta·ál

pnr

Ta·ál

png |Heo
1:
Bulkán Taál
2:
lawa sa timog kanluran ng Batangas, na kinaroroonan ng bulkang ito.

tá·al

png |Bot

tá·am

png |[ Mrw ]

ta·án

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
Psd harang ng mga bató at nilálang mga piraso ng kawayan, gamit sa panghuhúli ng isda
2:
3:
pa·ta·án palabis sa anuman upang maiwasan ang posibleng kakulangan : ALLOWANCE5, PALATÓL, PATAGÁNA, TÁRA1 Cf PALÚGIT

tá·an

png |[ ST ]
1:
hindi pag-ubos sa lahat dahil sa paggálang
2:
pagpapaubayang sabihin o gawin ng iba ang isang bagay bilang paggalang
3:
paglalagay ng kawil sa pagitan ng dalawang kahoy na nakalubog sa ilog o dagat
4:
paglalawit ng kawil sa tubig.

tá·an

pnr |[ Bik Hil Tag ]

Tá·an

png |Lgw
:
isa sa mga wika ng mga Ilongot.

ta·áng

png
2:
Kem substance na nagdudulot ng pagbabagong kemikal at hindi naaapektuhan ng reaksiyón.

tá·ang

png |[ Bik ]

tá·ar

png |Bot |[ ST ]
:
pagtatanim ng tubó o patagilid na paraan ng pagtatanim ng tubó.

ta·ás

png
1:
[Bik Hil Seb Tag War] ang layò mula sa ibabâ hanggang sa taluktok : ESTATÚRA1, HEIGHT, LÁNGKAW, LÁYOG1, TAGÉY, TÁYOG
2:
ang pinakatuktok o rurok ng anuman : HEIGHT, TÁYOG
4:
patayông súkat ng katawan ng tao mula paa hanggang ulo : TÁYAG2

tá·aw

png |[ Ilk ]

ta·áy

png |[ Ilk ]
:
patibóng na kawayan para sa mga ibon.

tab

png |[ Ing ]
:
pinaikling tabulator.

ta·bà

png |[ ST ]
:
pagpútol ng mga punò sa isang lupain upang gawing taniman.

ta·bâ

png
1:
Bio malangis at dilaw o putîng substance na nabubuo sa tissue ng hayop ; o katulad na substance sa haláman : FAT1, GÁBOT2, SÉBO
2:
pagiging mabigat kaysa karaniwan o pagiging mabilog ng katawan : FAT1, LANÂ, TÁMBOK
3:
lusog ng lupa na mainam sa pagtatanim ; kung sa punongkahoy, pagiging hitik sa bunga : FAT1

ta·ba·á·has

png |Bot
:
yerba (Aerua lanata ) na may sali-salising tambilog na dahon at maraming bulaklak na pinakukuluan kapag ginagamit na pampaihi at gamot sa gonorea.

tá·bab

png |Agr |[ Ifu ]
1:
lápad ng pahalang na rabáw ng payyo o bintaw
2:
loob ng payyo o espasyo sa pagitan ng tapig at ng lupang tinatamnan Cf PÍTAK2

ta·bád

png |Med
:
proseso ng pagpapadugô.

tá·bad

png
1:
tubig na ibinabanto o idinadagdag upang pahinain ang bisà ng alak o anumang likido Cf TÁBAG1
2:
[Tbw] pangásiginagamit sa ritwal na pagdiwata.

ta·bád·lo

png |Zoo |[ Seb ]

ta·bág

png |[ ST ]
:
paggutom sa hayop bago katayin — pnd i·ta·bág, mag· ta·bág, ta·ba·gín.

tá·bag

png
1:
[ST] anumang idinadagdag upang palitán ang nawala, nasirà, o nagamit sa proseso ng pagluluto o paggawâ ng isang bagay Cf TÁBAD1
2:
[ST] tubig na isinasaboy sa alkitran upang mabawasan ang init nitó
3:
[Iba] sagót1

ta·ba·gák

png |Zoo |[ Seb ]

ta·ba·gán

png
:
kulúngan o hapunán ng manok.

ta·ba·gán

pnr
:
malakí o maumbok, karaniwan sa mukha Cf MAGÂ

ta·ba·gá·nan

png |Mus |[ Klg Tgk ]
:
ikat-long gong sa tangunggu.

ta·bag·hák

png |Med

ta·bá·go

png |Zoo |[ Seb ]

ta·bák

png |[ ST ]
2:
hindi pantay na habi o tabas ng damit.

ta·ba·ka·lé·ra

png |[ Esp tabacalera ]
:
tao na nagtatanim ng tabako.

ta·ba·ke·rí·ya

png |[ Esp tabaquería ]
:
págawáan o tindáhan ng sigarilyo.

ta·ba·ké·ro

png |[ Esp tabaquero ]
:
laláking gumagawâ ng sigarilyo, ta·ba· ké·ra kung babae : MAGTÁTABÁKO

ta·bá·ko

png |[ Esp tabaco ]
1:
Bot malakí at mabalahibong yerba (Nicotiana tabacum ) na may putî o pink na mga bulaklak at malalakí ang mga dahon, katutubò sa Timog America : PINÁDIS, TOBACCO
2:
ang pinatuyông dahon ng nasabing haláman na ginagawâng sigarilyo o maskada : PINÁDIS, TOBACCO
3:
malakíng bilot ng hititing tabako : ABÁNO, CIGAR, SIGÁRO, TOBACCO

ta·ba·kú·han

png |Agr |[ tabako+han ]
:
taníman ng tabako.

tá·bal

png
1:
paghabà at paglago, gaya ng pagtabal ng buhok, talahib, at iba pa — pnd pa·ta·bá·lin, tu·má· bal
2:
pagputol sa mga dahon ng lumalagong talahib, humahabàng buhok, at iba pa — pnd mag·tá·bal, ta·bá·lan, ta·bá·lin
3:
Bot maliit na niyog, na kinakaing may balát at buong-buo.

tá·bal

pnr |Bot
:
sa haláman, napakaraming dahon kayâ hindi namumunga.

ta·bá·lik

png |Zoo |[ Mrw ]

ta·ba·lù

pnb |[ Kap ]

tá·ban

png
1:
paghawak upang hindi mabuwal ang nakatayông bagay
2:
pagtakas nang mabilis
3:
[Seb] tánan1,2 — pnd mag·tá·ban, ta·bá· nan, tu·má·ban.

ta·báng

png
1:
[Ilk Iva Kap Pan Tag] kakulangan sa lása : LABSÁY, TÁB-ANG, TAMNÁY
2:
kawalan ng gana o sigla sa pakikitúngo
3:
Med pagiging magâ.

tá·bang

png
1:
[Bik Mag Mrw Seb Tau] túlong
2:
Zoo [Kap] aligí.

táb-ang

png |[ Hil Seb Tag War ]

ta·báng-ba·yá·wak

png |Bot |[ taba+ng +bayawak ]
:
palumpóng (Flemingia strobilifera ) na may maliliit na bulak-lak, at maumbok na súpot ng butó : GÁNGAN, KOPKOPÉYES, PANÁPARÁHAN, PAYANGPAYANG

ta·báng-há·ngin

pnr |[ taba+na+ hangin ]
:
hindi siksik ang tabâ, sanhi ng kawalan ng ehersisyo o hindi paggawâ Cf MANÁS

ta·báng·ko

png |Zoo |[ Bik ]

ta·ba·ngó·ngo

png |Zoo |[ Pan ]

ta·bán·ko

png |Zoo |[ Seb ]

ta·bá·nog

png |[ Seb ]

ta·bár

png |Med |[ ST ]
:
paghiwa ng isang bahagi ng katawan upang alisin ang nabubulok na dugo Cf TABAD

tá·bar

png |[ ST ]
:
pagbabanto ng tubig sa alak o tubâ.

ta·ba·ró·yan

png |Zoo |[ Bik ]

tá·bas

png
1:
[Bik Hil Ilk Kap Pan Seb War] paraan ng gupít o paggupít
2:
itsúra1 — pnd mag·tá·bas, ta·bá·sin, tu·má·bas
3:
Zoo [Seb Tag] tsabíta.

ta·bás·ko

png |[ Mex Tabasco ]
:
salsa o pampalasang gawâ sa sili.

tá·bas-tá·bas

png |Bot
:
uri ng yerbang ginagamit na purga.

ta·bá-ta·ba·kú·han

png |Bot |[ taba+t abáko+han ]

ta·bá·tib

png |Bot
:
matabâng baging (Rhaphidophora merrillii ) na gumagapang sa katawan ng punongka-hoy at may mga dahong hugis itlog : ÁMLONG, BAKÁG1, BAGÁK, BALIKUPKÚP, DIBÁTIB, TAMPÍM-BANÁL

ta·bát·soy

pnr |Kol
:
matabâ var tabatsúy

tá·baw

png
1:
sistema ng transportasyon sa paghahatid ng mga tao, bagay, at iba pa túngo sa kabilâng pampang
3:
Bot pu-nongkahoy (Lumnitzera racemosa ) na tumataas nang 18 m : KULÁSI2, SULÁSI2

tá·baw·tá·baw

png |Bot |[ Ilk ]
:
baging (Luffa cylindrica ) na may dilaw na bulaklak, mapait na bunga, at karaniwang makikíta sa sapà, pampang, at iba pa : PATÓLANG BILOG

tá·bay

png |Zoo |[ Pan ]

ta·ba·yág

pnr |[ ST ]
1:
tulóg o natutúlog nang walang kumot
2:
lumalakad nang maikli ang kasuotan.

ta·bá·yag

png
1:
Bot úpo
2:
[Seb] sisidlan na gawâ sa pinatuyông balát ng kalabasa.

ta·ba·yán

png |[ Ifu ]
2:
Ark poste ng tradisyonal na bahay.

ta·ba·yáw

png |[ Pan ]

ta·ba·yóng

png |Zoo |[ Seb ]

tab·bá

png |[ Iba ]

tab·bá·aw

png |[ Ilk ]

táb·bad

png |[ Bag ]
:
pag-aalay ng magulang bílang paggunita sa katatapos na kasal ng kanilang anak na babae.

tab·bág

pnd |[ Iba ]
:
sumagot o sagutin.

tab·bák

png |Mus |[ Yak ]

táb·bang

png |Bot |[ Iba ]

ta·béng·beng

png |Mus |[ Ayt-Mgk ]

ta·bér·na

png |[ Esp ]
1:
bahay-tulúyan ng mga manlalakbay : INN, TAVERN

tabernacle (ta·ber·ná·kel)

png |[ Ing ]

ta·ber·ná·ku·ló

png |[ Esp tabernáculo ]
1:
dambana o altar na may habong : TABERNACLE
2:
pook-sambahan para sa malalakíng kongregasyon : TABERNACLE
3:
napápasáng santuwaryo, dalá-dalá ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay mula Egypt hanggang Jerusalem ; o ang templo ng mga Jew : TABERNACLE
4:
munting kabinet para sa konsagradong ostiya : TABERNACLE
5:
pansamantalang silungán, gaya ng tolda : TABERNACLE

ta·ber·né·ro

png |[ Esp ]
:
tagapag-ingat o tagapangasiwa ng tabérna.

ta·bí

png |[ Tag War ]
:
gilid o hanggáhan ng súkat ng isang pook o bagay : BIKÔ2, GALIGÍR, HIGÁD2, TÁMBIB Cf TANGWÁ

ta·bí

pnd |i·pag·ta·bí, i·ta·bí, mag·ta· bí, pág·ta·bi·hín, ta·bi·hán, tu·ma·bí
1:
magsubi, magbukod, o magtirá
2:
ilagay sa gilid ang isang bagay
3:
iligpit o itagò
4:
umalis sa kinatatayuan upang magbigay-daan

ta·bì

png |[ ST ]
:
paghingi ng pahintulot upang makaraan : HABÌ var tábi

Ta·bì!

pdd |[ Bik Hil Seb Tag War ]
:
pahayag ng pag-uutos sa tao na umalis sa kinatatayuan.

ta·bî

pnd |[ Seb ]
:
magdaldal o dumaldal — pnr ma·ta· bî ta·bi·án.

ta·bi·ák

png |Bot |[ ST ]
:
malapad na kabute.

ta·bi·dáw

png |[ Ilk ]
:
basket na maliit, parisukat, at walang takip.

tá·big

png
1:
malakas na pagtulak sa pamamagitan ng bisig : WÁKLI
2:
tamà ng likod ng kamay Cf BIGWÁS, SUNTÓK — pnd man·tá·big, ma·tá·big, ta·bí·gin.

ta·bi·gì

png |Bot |[ Pal Seb ]
:
uri ng punongkahoy (Xylocarpus granatum ), karaniwang matatagpuan sa gilid ng mga ilog o sapà.

ta·bi·hán

png |[ ST ]
:
bahaging dulo ng isang bayan.

ta·bí·ke

png |Ark |[ Esp tabique ]
1:
parang dingding na partisyon sa iba’t ibang bahagi ng bahay o estruktura : LÁNOB Cf TÁBING

ta·bíl

png |[ Pan Tag ]
:
kakayahang magsalaysay ng kung ano-ano at sa mabilis na paraan : DALDÁL2, KATABIÁN — pnr ma·ta·bíl.

tá·bil

png |[ Hil Seb Tag War ]

ta·bi·lí

png |Zoo
1:
[Bik] butikî
2:
[Bik Seb War] bangkaláng.

ta·bi·lós

png |Zoo |[ Seb ]

ta·bíng

png |[ War ]

tá·bing

png
1:
[Iba Ilk Iva Kap Tag] nakabiting piraso ng tela na ginaga-mit upang hindi makapasok ang araw, dili kayâ’y bílang palamuti ng isang silid, kanlungan, pansará ng entablado, at katulad : BIRÁY2, CURTAIN, DRAPERY2, KORTÍNA, TÁBIL Cf ISKRÍN, KANSÉL, TELÓN
2: