tagal


ta·gál

png |pag·ta·gál
1:
[Bik Seb Tag] habà ng panahon : DÚGAY, HÁLUY, IHÁ, PADDÚ Cf LÁON1, LUWÁT
2:
[Seb] takdang panahon.

ta·gál

pnd
1:
makatiis lában ang págod, sakít, at katulad
2:
[Kap] habulin o maghaból.

ta·ga·la·á·la

png |[ ST ]
:
salita ng papuri.

Ta·ga·lá·kad

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Bilaan.

ta·ga·la·sík

png |[ ST ]
:
táong malaya at walang pagpipigil.

ta·gal·hí

png |[ ST ]
2:
Bot isang uri ng halaman.

ta·ga·lim·bág

png |[ taga+limbag ]
:
tao na paglilimbag ang trabaho o negosyo Cf PRINTER1

Ta·gá·log

png |Ant Lgw |[ taga+ilog; taga+alog ]
1:
pangkating etniko na matatagpuan sa Metro Manila, at mga lalawigan ng Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Marinduque, Mindoro, Nueva Ecija, Palawan, Rizal, at Quezon
2:
tawag sa wika nitó
3:
noong panahon ng Español, malaganap na tawag ng mga Europeo sa mga tao na naninirahan sa Filipinas.

ta·gal·sík

png |[ ST ]

Ta·ga·lú·ro

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Bagobo.

ta·gal·wát

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng yerba.